Total mining ban sa Manicani island, maagang pamasko ng DENR

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 536 total reads

Itinuturing ng San Lorenzo Ruiz Parish sa Manicani Island, Guian, Eastern Samar na isang maagang pamasko ang binitiwang pangako ni Environment Secretary Roy Cimatu na hindi na muling magkakaroon ng pagmimina sa kanilang isla.

Ayon kay Fr. Niño Garcia, Parish Priest sa isla, bagamat wala pa silang pinanghahawakang kasulatan ay umaasa ang mamamayan sa Manicani na tutuparin ni Cimatu ang kanyang pangako.

Samantala, sinabi rin ng Pari na mananatili pa rin silang mapagmatyag upang tuluyan nang matuldukan ang paghihirap na dinadala ng industriya ng pagmimina sa kanilang lugar.

“Isang magandang pamasko para sa amin na patuloy na tumututol sa pagmimina sa buong isla ng Manicani, yun nga lang hindi pa naming ma-i-celebrte ng lubos yung victory na nangyari hanggat wala kaming hinahawakan na opisyal na document, memorandum galing kay Secretary Cimatu ay patuloy pa rin kaming magbabantay at magmamatyag nab aka sa mga susunod na secretaries ulit o administration ay maibalik ulit ang pagmimina,” pahayag ni Fr. Garcia sa Radyo Veritas

Samantala, nais ngayon ng mamamayan sa Manicani na ibalik ng Hinatuan Mining Corporation ang nakatambak na mineral stock piles nito upang hindi na ito mapunta pa sa mga pananim at karagatan.

Batay sa obserbasyon ni Fr. Garica at ng kanyang mga kasamahan sa kanilang parokya sa Manicani ay bagamat hindi naging malubha ang pinsalang idinulot ng bagyong Urduja sa kanilang isla ay labis naman ang pag-ulang dinala nito na naging dahilan upang tangayin ang mga laterite ng mina patungo sa karagatan.

“Yung secretary ko nakakuha sya ng video na yung tubig ulan galing sa bukid ay dala nya yung kulay pula, laterite soil na dala nya, dumadaloy hanggang papunta sa dagat so yung stockpile o pagmimina ay nakapagbigay ng hindi magandang epekto sa palibot na dagat ng buong isla,” dagdag pa ng Pari.

Sa kabila nito, umaasa din ang simbahan sa Manicani na maisasakatuparan ang inihayag na planong pagbisita ni dating DENR Secretary Gina Lopez at kasalukuyang kalihim na si Cimatu sa isla ng Manicani upang planuhin ang isasagawang rehabilitasyon at pagibigay ng livelihood program sa mamamayan sa isla.

Taong 1992 nang magsimula ang pagmimina sa isla. Sa kabuuan ay mayroon lamang itong lawak na 1,165hektarya habang mayroon namang humigit kumulang 3,000 mga residente.

Ang kumpanyang Hinatuan Mining Corporation na subsidiary ng Nickel Asia Corporation, ang pinakamalaking kumpanya ng minahan sa Pilipinas ang natukoy na nagsagawa ng operasyon sa lugar.

Samantala, sang-ayon sa Laudato Si ng Kanyang Kabanalan Francisco ay mariin ding tinututulan ng Santo Papa ang industriya ng pagmimina dahil sa nagiiwan lamang ito ng labis na pinsala sa mga komunidad at nakadaragdag sa labis pang paghihirap ng mamamayan.

COMELEC, Tatalima sa Batas

 43,235 total reads

 43,235 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 40,443 total reads

 40,443 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 74,931 total reads

 74,931 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 176,755 total reads

 176,755 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 217,313 total reads

 217,313 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 236,255 total reads

 236,255 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 28,451 total reads

 28,451 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 21,384 total reads

 21,384 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top