Hanggang pagsibak na lang ba?

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 809 total reads

Mga Kapanalig, naging gawî na ni Pangulong Duterte na isapubliko ang pagsibak niya sa kanyang mga appointees na pinaghihinalaang sangkot sa katiwalian o maling paggamit ng pera ng bayan. Sa isang talumpati ilang araw bago siya pormal na manumpa bilang pangulo ng bansa, ipinangako niyang kahit bulong lamang tungkol sa tauhan niyang tiwali, agad niya itong tatanggalin sa puwesto. Babala niya sa mga nasa gobyerno, “[Not] even a whiff or whisper [of corruption], I will fire you or place you somewhere.” Isa ito sa mga katangian ni Digong na nagustuhan ng mga bumoto sa kanya—ang anila’y mabilis na pag-aksyon laban sa korapsyon.

Pagmamalaki ng administrasyon, marami nang tinanggal na opisyal dahil sa katiwalian, kahit pa ang mga taong sinasabing malapít sa pangulo. At noong nakaraang linggo nga, sinibak niya ang chairperson at mga commissioners ng Presidential Commission on the Urban Poor o PCUP. (Ang PCUP po ay ang ahensya sa ilalim ng opisina ng pangulo na nakatutok sa mga isyu ng maralitang tagalungsod katulad ng sapilitang ebiksyon at hindi maayos na relokasyon.) Sabi ng pangulo, maliban daw sa hindi pagpupulong ng mga opisyal ng komisyon, naging magastos daw ang mga ito dahil sa maraming junkets o mga lakad sa labas ng bansa gamit ang pera ng bayan. Hindi naman umalma ang mga inalis na opisyal at hindi rin nila pinasinungalingan ang mga inaakusa sa kanila.

Sa isang banda, pagpapakita ito na seryoso ang pangulo na labanan ang katiwalian sa pamahalaan. Ngunit sa kabilang banda, hindi naman pinapanagot ang mga pinatalsik na opisyal. Walang kasong isinasampa laban sa kanila matapos silang sibakin. Umaalis sila sa kanilang opisina na hindi man lamang inaalam kung totoo ang mga bintang sa kanila, kung saan napunta ang sinasabing kinurakot nila, at kung marapat silang patawan ng parusa para sa maling gawain habang sila’y nasa posisyon. May mga pagkakataon pa ngang inililipat lamang sa ibang ahensya at opisina ang mga sangkot sa anomalya.

Mga Kapanalig, lagi nating naririnig ang kasabihang “public office is a public trust”, ang paglilingkod sa pamahalaan ay pananagutan sa taumbayan. Kaya’t mahalagang binabantayan at binubusisi ng publiko, sa pamamagitan ng iba’t ibang insititusyon sa pamahalaan, ang lahat ng ginagawa ng mga lingkod-bayan—ang kanilang mga pinagkakagastusan, ang kanilang mga pasya, at ang kanilang mga ipinatutupad na hakbang. Gayunman, hindi sapat na tanggalin lamang sila posisyon lalo na kung batay lamang ito sa bulung-bulungan. (Kung bulung-bulungan lang naman ang batayan ng pangulo, baka mas marami pa ang wala na dapat ngayon sa pamahalaan, hindi po ba?) Hindi gumugulong ang mga mekanismo ng pagpapanagot sa mga tiwaling opisyal ng pamahalaan kung walang maayos na pagsisiyasat at pangangalap ng datos at ebidensya, at kung walang sinusunod na proseso upang alamin ang katotohanan.

At tungkulin ng mga nasa pamahalaan, lalo na ang mga gumagawa ng mga batas, na tiyaking gumagana at ginagamit ang mga mekanismo upang mapanagot ang mga tiwaling lingkod-bayan. May natatanging gampanin ang mga Katolikong nasa larangan ng pulitika sa usaping ito, dahil ang kanilang paglilingkod ay dapat na ginagabayan ng mga prinsipyong nakaugat sa katuruan ng Simbahan—ang pagtataguyod ng kabutihan ng lahat o common good, ang pagtatanggol sa katarungan, ang diwa ng paglilingkod sa kapwa, ang pagkiling sa mga mahihina, at pagsasakapangyarihan sa taumbayan. Lahat ng ito ay dapat na magtulak sa kanilang bigyan ng ngipin ang mga patakaran upang hindi gantimpalaan bagkus ay papanagutin ang mga tiwaling opisyal. Nakakalungkot na para bang iniaasa na lamang natin kay Pangulong Duterte ang pagpapasya.

Muli, mga Kapanalig, public office is a public trust—sa taumbayan, hindi lamang sa pangulo, may pananagutan ang lahat ng nasa pamahalaan.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 807 total reads

 807 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 36,386 total reads

 36,386 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 72,870 total reads

 72,870 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 91,081 total reads

 91,081 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 175,376 total reads

 175,376 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 808 total reads

 808 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 36,387 total reads

 36,387 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 72,871 total reads

 72,871 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 91,082 total reads

 91,082 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »
Scroll to Top