Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Trabaho at Ispiritwalidad

SHARE THE TRUTH

 516 total views

Ang trabaho, kapanalig, ay higit pa sa kita o sweldo. Ito ay daan tungo sa kaganapan ng ating pagkatao. Ang Panlipunang Turo ng Simbahan ay maraming mga butil ng karunungan na nagtuturo sa atin ng kahalagahan nito.

Si Pope Benedict XVI, sa kanyang Sacramentum Caritatis, ay noo’y nagsabi na ang trabaho ay pundamental ang kahalagahan sa kaganapan ng ating pagkatao at sa kaunlaran ng lipunan. Kaya naman kailangan na ito ay maorganisa at maisakatuparan na may buong respeto sa ating dignidad at ayon sa kabutihan ng balana o ng common good. Sabay nito, kailangan rin na masigurado ng mga indibidwal na hindi sila maging alipin nito, o sambahin ito na tila ito ang magbibigay ng ganap na kahulugahan ng kanilang buhay.

Marami sa atin, kapanalig, batid ang kahalagahan ng trabaho para sa ating buhay. Kaya nga lamang, minsan, naliligaw tayo. Hindi natin napapagnilayan ang kahalagahan ng pahinga, hindi lamang para sa ating katawan o pag-iisip, kundi sa ating buhay ispiritwal.

Ayon nga sa Rerum Novarum: “Ang kapangyarihan at lakas ng tao ay limitado. Hindi natin kailanman malalagpasan ang limitasyon na ito. Ang ating lakas ay ating napapalago hindi lamang sa purong pagta-trabaho, kundi sa maayos na pagtigil-gawa at  pahinga. Ang araw-araw na trabaho ay dapat nasa ayos, at hindi dapat lalampas sa natural na dulo ng ating kakayahan.

Ayon sa mga surveys, ang Philippine workforce ay nakakaranas ng ilan sa pinakamataas ma stress levels sa Asya. Ayon sa Regus International Survey noong 2013, mahigit pa sa 42% ng mga Filipino workers ang nagsasabi na ang kanilang stress levels ay tumaas noong mga nakalipas na mga taon. Ayon naman sa Grant Thorton International Survey noong 2011, 52% mga negosyante ang naagsasabing mas tumaas din ang kanilang stress levels. Ayon pa sa survey na ito, mas stressed ang mga negosyante sa ating bansa kumpara sa mga negosyante sa ibang bansa.

Ayon naman sa pinakahuling survey ng Wills Towers Watson, isang multinational consulting firm, ang mga stressors ng mga empleyado sa bansa ay mababang pasahod, kakulangan sa manpower, kultura ng kompanya, at work-life balance. Para naman sa mga employers, ang kanilang pangunahing stressors ay work-life balance, kakulangan ng manggagawa, at malabong job expectations.

Ang adbiyento ay mainam na panahon upang ating pagnilayan ang ating trabaho at ang nagiging sentral na posisyon nito sa ating buhay. Mainam na tayo ay magbagal, mag-pause, ika nga. Ang ating trabaho ba ay nagiging sentro na ng ating buhay sa halip na maging daan lamang sa ating kaganapan bilang indibidwal at lipunan?

Bigyan nating puwang ang ating ispiritwalidad sa gitna ng paghahabol natin ng mga deadlines. Ayon nga kay Pope John Paul II sa kanyang Laborem Exercens: Kailangang tumagos sa pang-araw araw nating gawain ang kamalayan na tayo, sa pamamagitan ng ating trabaho, ay nakikilahok sa tuluyang paglikha at pagmamahal ng Diyos.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 88,764 total views

 88,764 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 96,539 total views

 96,539 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 104,719 total views

 104,719 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 120,216 total views

 120,216 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 124,159 total views

 124,159 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 88,765 total views

 88,765 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ghost students

 96,540 total views

 96,540 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 104,720 total views

 104,720 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

The Big One

 120,217 total views

 120,217 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

ODD-EVEN scheme

 124,160 total views

 124,160 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kagutuman

 61,003 total views

 61,003 total views Hindi pa tapos ang unang quarter ng taong 2025., Tumaas pa lalo ang bilang ng mga Pilipinong nagugutom o kapos ang pagkain sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkakait ng kaarawan sa murang edad

 75,174 total views

 75,174 total views Mga Kapanalig, para sa grupong Child Rights Network (o CRN), masuwerte si dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil napakapagdiwang pa siya ng kanyang 80th

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang lupa ay para sa lahat

 78,963 total views

 78,963 total views Mga Kapanalig, nangako ang mga tumatakbong senador sa ilalim ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas—ang ticket ni Pangulong BBM—na ipápasá nila ang National

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hapis ng mga biktima

 85,852 total views

 85,852 total views Mga Kapanalig, ang Diyos ay hindi manhid sa tinig ng mga inaabuso’t inaapi. Dahil naririnig ng Diyos ang kanilang mga panaghoy, hinahamon Niya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Popular Beyond Reproach

 90,268 total views

 90,268 total views Kapanalig, nakakulong sa kasalukuyan ang kontrobersiyal na ika-16 na pangulo ng Pilipinas na si Rodrigo Roa Duterte o kilala sa tawag na “tatay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Impeachment Trial

 100,267 total views

 100,267 total views Tuloy ang impeachment trial laban kay Vice-President Sara Duterte.. Ito ay sa kabila ng pagkakakulong at kinakaharap na kasong crime against humanity ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Labanan ang structures of sin

 107,204 total views

 107,204 total views Mga Kapanalig, “bakit ako susuko?”  Ito ang pinakahuling pahayag ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa kaugnay ng posibleng pag-aresto sa kanya ng International

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Huwag palawakin ang agwat

 116,444 total views

 116,444 total views Mga Kapanalig, gaya ng inaasahan, maraming tagasuporta ni dating Pangulong Duterte ang nagtipun-tipon sa kani-kanilang lugar para kundenahin ang pag-aresto at pagdadala sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sementeryo ng mga buháy

 149,892 total views

 149,892 total views Mga Kapanalig, nasa kustodiya na ngayon ng International Criminal Court (o ICC) si dating Pangulong Duterte. Ilang araw lang pagkatapos siyang ilipad patungo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang education crisis?

 100,763 total views

 100,763 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top