Donasyon sa Simbahan, napupunta lahat sa pagseserbisyo sa mga nangangailangan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,678 total reads

Napupunta sa pagseserbisyo sa mga nangangailangan ang donasyong natatanggap ng Simbahan mula sa mga tao at organisasyon.

Ipinaliwanag ni Fr. Gregory Ramon Gaston, rector ng II Pontificio Collegio Filippino, maraming programa ang Simbahan lalo na sa mahihirap kabilang na dito ang outreached programs gaya ng feeding, education, medical, orphanage at marami pang iba.

Dagdag din ng pari na hindi lamang Katoliko ang tinutulungan ng Simbahan kundi maging ang iba pang mga relihiyon sa iba’t-ibang panig ng mundo kasama na dito ang mga biktima ng karahasan sa pamamagitan ng Caritas Internationalis.

Nilinaw din ng pari na ang mga donasyon sa Simbahan gaya sa Pilipinas, ito ay napupunta sa lokal at itinutulong din sa mga nangangailangan.

Ang mga donasyon naman sa mga Misa tuwing Kapistahan ni St. Peter at St. Paul, ang koleksyon dito ay ibinibigay sa Vatican na itinutulong din sa mga pagmimisyon ng Simbahan sa mga bansang kailangan ang ebanghelisasyon at iba pang aspeto ng pagkalinga sa mga nangangailangan.

Dahil dito, ayon kay Fr. Gaston, labis ang pasasalamat din ng Simbahang Katolika sa mga nagpapaabot ng tulong.

“Ang mga donasyon natin depende halimbawa sa Phils., ang mga donations usually pumupunta yan sa local kasi diyan pa lamang marami ng nangangailangan, pati sa mga outreached like feeding orphanage, napakaraming pinagbibigyan. Once a year especially end of July na tinatawag na Pope’s Day or Feasts ni St. Peter and Paul, ang collection na yan binibigay sa Vatican, at ano ang ginagawa sa collection? Maraming misyon areas, like sa Africa at sa Asia, na kulang ang Simbahan o di kaya if may Simbahan mahihirap naman, ang tinutulungan ng Simbahan hindi lamang Katoliko , lahat ng nangangailangn tumutulong gaya sa mga bansang may digmaan sa pamamagitan ng Caritas Internationalis, ang lahat ng pumapasok ng pera sa Simbahan lahat yan umaalis at nakaready na pantulong din, kaya nagpapasalamat ang Simbahan sa lahat ng nagbibigay at nagko-contribute,” pahayag ni Fr. Gaston sa panayam ng Radio Veritas.

Sa ulat, nasa 1.2 bilyon ang populasyon ng Katoliko ngayon sa buong mundo kung saan 80 porsyento ng 101 milyong tao sa Pilipinas ang bilang nito.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 51,459 total reads

 51,459 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 98,205 total reads

 98,205 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 199,472 total reads

 199,472 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 269,657 total reads

 269,657 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 353,136 total reads

 353,136 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 337,117 total reads

 337,117 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 443,207 total reads

 443,207 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top