Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Tradisyon at kaugalian, binago ng COVID-19 pandemic.

SHARE THE TRUTH

 233 total views

March 21, 2020, 11:46AM

Inihayag ng isang Xaverian missionary priest na marami ang nabago sa tradisyon at nakaugalian bunsod ng paglaganap ng corona virus disease 2019 (COVID-19) sa buong mundo.

Ayon kay Reverend Father Patrick Santianez, ang pagsunod sa mga alituntuning ipinatutupad ng mga eksperto ang susi upang tuluyang mapuksa at mapigilan ang pagkalat ng virus.

“Maging bukas nawa tayo sa pagbabago, let us follow directives; Yan ang isa sa maraming susi ng pagkalusaw ng virus na ito,” pahayag ni Fr. Santianez sa Radio Veritas.

Ibinahagi ng Pari ang personal na karanasan nito sa Sierra Leone nang lumaganap ang Ebola virus sa lugar kung saan binago nito ang nakaugalian ng mamamayan partikular na sa mga gawaing pansimbahan dahil sa pag-iingat.

Aniya, tuluyang nasugpo ang epidemyang Ebola Virus Disease sa West Africa noong 2016 dahil bukas ang mamamayan sa nasabing lugar sa pagbabago batay sa mga direktiba mula sa gobyerno at sa Simbahang katolika sa Africa.

Iginiit ng Pari na mahalagang magkaisa ang mga Filipino sa pagsugpo ng COVID 19 sa pamamagitan ng pakikiisa sa panawagan ng pamahalaan tulad ng social distancing at pag-iwas sa malalaking pagtitipon na agad ipinatupad ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa kabila ng paghahanda sa muling pagkabuhay ni Hesus.

Tiniyak din ni Fr. Santianez na ang mga pari ay nakahandang samahan ang mananampalataya sa gitna ng krisis dulot ng COVID 19 tulad ng pananatili niya sa Sierra Leone sa kabila ng pagpapauwi sa mga OFW.

“We, priests and consecrated people, are not “hired” shepherds who ran away when we see our sheep are in danger. By practicing prudence we need to be present to our people. We need to give hope to our sheep that this crisis too will pass,” dagdag ng pari.

Binigyang diin ni Fr. Santianez na ang pagpapatupad ng enhanced community quarantine ay magandang pagkakataon sa bawat pamilya na magsama-sama at mas palalimin ang ugnayan sa bawat kasapi.

“This is a golden opportunity to foster friendship and mutual trust among family members; a grace filled moment to go back to the importance of family sharing,” saad ni Fr. Santianez.

Ayon sa World Health Organization, idineklarang epidemic ang Ebola Virus Disease noon na kumalat sa pitong mga bansa kung saan halos 30, 000 ang nadapuan ng karamdaman at labinlimang libo ang gumaling.

Sa kasalukuyan ang pandemic COVID 19 ay higit na sa 200, 000 libo ang infected sa 160 mga bansa habang patuloy na hinahanapan ng lunas sa karamdaman.

Hinimok ni Fr. Santianez ang mamamayan na magkaisa, magtulungan at isantabi ang pagiging makasarili alang-alang sa kapakanan ng kapwa lalo na sa gitna ng krisis.

Inihayag ng Pari na sa simpleng pamamahagi ng makakain at pangunahing kailangan sa mga maralitang pamilya ay maipadama ang diwa ng pag-ibig ni Hesus sa lipunan na siyang nasaksihan ng pari sa Sierra Leone sa gitna ng paglaganap ng epidemic ebola virus.

“It is a time to show a love that is stronger than the Corona virus; Sana maraming “friends of the sick” or “consolers of the sick”.pahayag ng Pari sa Radio Veritas

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 80,198 total views

 80,198 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 87,973 total views

 87,973 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 96,153 total views

 96,153 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 111,693 total views

 111,693 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 115,636 total views

 115,636 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top