Caritas Manila, mamimigay ng tulong sa mga maralitang tagalungsod.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 405 total views

March 21, 2020, 12:41AM

Tiniyak ng Caritas Manila, ang social arm ng Archdiocese of Manila na patuloy ang pamamahagi ng simbahan ng tulong sa mga maralitang pamilya na higit apektado sa ipinatupad na enhanced community quarantine sa Luzon ngunit sa tahimik at maingat na pamamaraan.

Ayon kay Reverend Father Anton CT Pascual, Executive Director ng institusyon, sa kasalukuyang sitwasyon higit na kinakailangan ang kalinga ng inang simbahan kaya’t patuloy ang pagkilos nito kaakibat ang maingat na pagsunod sa alituntunin ng pamahalaan.

“Ang Caritas Manila ay nasa forefront ng pagtulong sa mga kalamidad lalong lalo na sa maralitang tagalungsod,” pahayag ni Fr. Pascual sa Radio Veritas.

Inihayag ng Pari na nasa apat na libong pamilya sa buong Metro Manila ang pagkakalooban ng tulong ng Caritas Manila ngunit tahimik itong mamahagi sa mga bahay ng bawat benipisyaryo upang maiwasan ang gulo, at pagtitipon ng maraming tao alinsunod sa ipinatupad na social distancing.

Pagtiyak pa ng pangulo ng Radio Veritas na mahigpit ang pakikipag-ugnayan ng social arm ng arkidiyosesis sa mga Local Government Unit at Barangay na pupuntahan upang masunod ang direktiba ng gobyerno sa pamamahagi ng relief items sa mga benepisyaryong pamilya.

Ayon kay Fr. Pascual, bukas ang Caritas Manila sa lahat ng mamamayan na higit nangangailangan ng tulong maging iba man ang pananampalatayang kinabibilangan.

“Walang discrimination, kahit anong relihiyon o pananampalataya, maging ang mga galit sa simbahan ay bibigyan natin ng tulong,” saad ni Fr. Pascual.

Ilan sa ipamamahagi ng Caritas Manila ang isanlibong halaga ng voucher na maaring magamit sa pagbili ng mga food supplies na kinakailangan, grocery items, at ang Ligtas COVID Kit na kinabibilangan ng alcohol, face mask at gloves.

Ilan sa mga lugar na tutunguhin ng Caritas Manila ang Quezon City, Manila, Mandaluyong at Caloocan.

Nakasuot ng sotana ang mga paring mamahagi ng tulong upang maipadama ang diwa at presensya ng simbahan sa komunidad ng mga maralitang tagalunsod.

“Ito ay tulong ng simbahan upang madama natin ang pag-ibig ng Diyos sa nagmamalasakit sa atin sa panahon ng krisis,” saad ni Fr. Pascual.

Katuwang ng simbahan ang ilang establisimiyento tulad ng Puregold na naglaan ng apat na milyong pisong halaga ng tulong at iba pang mamumuhunan sa pamamagitan ng Catholic Church Network.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAG-ASA

 30,395 total views

 30,395 total views Kapanalig, tayong mga Pilipino ay patuloy na kumakapit sa Pag-asa (Hope). Nang ma-appoint si dating DOJ secretary Crispin Remulla na Ombudsman noong October

Read More »

VP Sara

 52,400 total views

 52,400 total views Kapanalig, mayroong kasabihan na walang lihim na hindi nabubunyag! Nabunyag sa pagdinig ng House Committee on Justice na dumidinig sa impeachment complaint na

Read More »

Itigil ang pagdanak ng dugo

 76,742 total views

 76,742 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 100,361 total views

 100,361 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 133,857 total views

 133,857 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top