Pagbabalik-loob sa Diyos, lunas laban sa mga salot

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 456 total reads

March 21, 2020-1:21pm

Magbalik-loob sa Diyos at iwaksi ang kasamaan.

Ito ang pahayag ni Bishop-emeritus Teodoro Bacani Jr. ang mensaheng dala ng New Corona Virus Disease o COVID-19 sa sangkatauhan.

“Ngunit ang inirerekomenda ng Panginoon, iniaatas Niya sa ating lahat hindi n’yo po kasi natin madalas na naririnig. Baka hindi natin maisip man na ang talagang pinakamalalim na lunas ay ang pagbabalik loob sa Diyos at ang pagmamahal sa Kaniya at sa ating kapwa-tao,” bahagi ng homiliya ni Bishop Bacani.

Sa kaniyang online mass sa Radyo Veritas, hinikayat nito ang bawat isa na talikdan ang mga kasalanan-ang pagpaslang, pagkaganid, pagsira sa kalikasan at korupsyon na siya nang sakit na ng lipunan.

“Bumagsak ang stock market, bumabagsak ang business ang ekonomiya. Bumabagsak ang kabuhayan natin. Itanong natin, hindi ba totoo ang sinabi ng Panginoon? Ang iyong pagbagsak ay bunga ng iyong kasamaan,” ayon pa sa obispo.

Sinaaad din sa pagbasa ng ebanghelyo sa kataga ng Panginoon sa Israel na ang kasalanan ang dahilan ng kasakitan at ng pagbagsak kaya’t maliwanag na ang tugon ay ang pagbabalik loob sa Panginoon.

Dagdag pa ni Bishop Bacani, “Iwan ang kasalanan, iwan ang pagmamalaki, iwan ang karahasan, iwan ang pagnanakaw, iwan ang pagpatay, iwan ang korupsyon, mahalin ang Diyos, mahalin ang kapwa.”

Ito ay sa pamamagitan ng pagtugon sa atas ng Panginoon na pananalangin kaakibat ang pagmamalakasakit sa kapwa, pagtutulungan na siyang higit na kinakailangan dahil sa umiiral na krisis dulot ng nakahahawang sakit.

Binigyan diin pa ni Bishop Bacani na ngayon ay nahaharap sa digmaan ang mundo sa nag-iisang kalaban- ang novel corona virus na mapagwawagian sa sama-samang pagtugon ng may pagkakaisa at may pananampalataya sa Panginoon.

Paalala din ng Obispo sa bawat isa na sumunod sa iniaatas ng mga eksperto at ng pamahalaan upang maging katuwang na hindi na kumalat pa ang sakit.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 7,207 total reads

 7,207 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 94,101 total reads

 94,101 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 131,474 total reads

 131,474 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 162,735 total reads

 162,735 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 235,196 total reads

 235,196 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top