Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Transportasyon para kanino?

SHARE THE TRUTH

 192 total views

Mga Kapanalig, ilang araw lamang matapos ang Pasko ng Muling Pagkabuhay, isang hindi magandang regalo ang natanggap ng mga manggagawang nagtatrabaho sa Kamaynilaan at umuuwi sa mga karatig-probinsya matapos ang isang araw ng pagbabanat ng buto.

Miyerkules noong isang linggo nang sinimulang ipatupad ang window hours para sa mga provincial buses. Mula alas-10 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga kinabukasan na lamang maaaring pumasok ang mga bus sa National Capital Region (o NCR), kahit ang mga bus na mayroong terminal sa EDSA. Walang nagawa ang mga kompanya ng bus kundi baguhin ang oras ng kanilang mga biyahe alinsunod sa bagong patakaran.

Nagdulot ng kalituhan at abala ang biglaang pagpapatupad ng window hours. Ang mga may trabaho hanggang alas-6 ng hapon, halimbawa, ay kailangan pang maghintay ng alas-10 ng gabi upang makasakay ng provincial bus at makauwi. Lalong hindi ito pabor sa mga panggabi ang trabaho.

Paliwanag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (o LTFRB), hindi sila bahagi ng bagong window hours scheme. Ipinatutupad daw ito ng Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA). Ngunit kinakailangan pa rin daw sundin ng mga provincial bus companies ang bagong utos ng MMDA. Paglilinaw pa nila, hindi lang naman daw magagamit ng mga bus companies ang kanilang pribadong terminal ngunit dapat lang nilang ibaba ang mga pasahero sa mga integrated terminal exchanges batay sa kanilang ruta.

Halimbawa, para sa mga bus papunta at mula sa Timog Katagalugan katulad ng Cavite, Laguna, at Batangas, maaari silang magsakay at magbaba sa Parañaque Intergrated Terminal Exchange. Para naman sa mga papunta at magmumula sa norte, gagamitin daw ang Northern Luzon Express Terminal, at ang Santa Rosa Integrated Terminal para sa mga papunta at magmumula sa Visayas at Mindanao.

Ngunit mabigat sa bulsa kung sasakay ang mga pasahero ng taxi o kaya’y kukuha ng mga ride-sharing services mula o papunta sa mga terminal na ito. Sa mismong araw ng pagsisimula ng implementasyon ng window hours, may mga pasaherong nagsabing umabot sa limandaan hanggang sanlibong piso ang gastos nila sa pagbiyahe mula Cubao hanggang Bulacan kung saan naroroon ang Northern Luzon Express Terminal.

Malaki ang papel ng transportasyon sa kalidad ng buhay tao, lalo na sa mga nasa lungsod kung saan matatagpuan ang maraming trabaho. Sinabi ni Pope Francis sa kanyang encyclical na Laudato Si’, nagdudulot ng paghihirap ang kawalan ng maayos na sistema ng transportasyon. Nagtutulak ito sa mga taong piliing magkaroon ng sariling sasakyan na sa halip na makatulong ay lalo pang nakakapagpalalâ ng daloy ng trapiko. Sa Metro Manila nga, tinatayang hanggang 53% ng mga sasakyang dumadaan sa mga kalye rito ay mga pribadong sasakyan.

Dagdag pa ng Santo Papa, hindi sapat ang paggawa ng mga kalsada at paradahang hindi naman tumutugon sa pangangailangang bigyang prayoridad ang pampublikong transportasyon. Ang isang siyudad na siksikan, nagdudulot ng abala sa mga tao, walang maayos at ligtas na transportasyon ay isang lugar kung saan hindi naiaangat ang dignidad ng tao. Matapos ang dalawang taóng lockdown dulot ng pandemya, bigo pa rin ang pamahaalang lutasin ang problema sa trapiko at transportasyon sa ating bansa. Umutang pa tayo ng bilyun-bilyong piso para sa ibinabanderang Build, Build, Build program, ngunit para kanino nga ba ang ipinatayong mga kalsada at expressway? Nakikinabang ba rito ang mga umaasa sa pampublikong transportasyon katulad ng provincial buses?

Mga Kapanalig, ngayong eleksyon, pipili tayong muli ng mga lider ng ating bansa. Piliin natin ang nakauunawa sa hirap na nararasanan ng mga karaniwang Pilipino makarating lamang sa kanilang trabaho at makauwi sa kanilang pamilya araw-araw. Piliin natin ang mga lider na, gaya ng inilalarawan sa Filipos 2:4, hinahanap ang ikabubuti ng mga tao.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Green Transport

 11,051 total views

 11,051 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 17,024 total views

 17,024 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 22,779 total views

 22,779 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 30,042 total views

 30,042 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 38,026 total views

 38,026 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 11,052 total views

 11,052 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 17,025 total views

 17,025 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 22,780 total views

 22,780 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 30,043 total views

 30,043 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 38,027 total views

 38,027 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 35,825 total views

 35,825 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 47,829 total views

 47,829 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 55,871 total views

 55,871 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 47,428 total views

 47,428 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 45,853 total views

 45,853 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 47,639 total views

 47,639 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 44,564 total views

 44,564 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 58,878 total views

 58,878 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 62,568 total views

 62,568 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 61,171 total views

 61,171 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top