Pagyamanin ang pananampalatayang Kristiyano, panawagan ng AVOSA sa mga OFW

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 884 total reads

Hinimok ng opisyal ng Apostolic Vicariate of Southern Arabia (AVOSA) ang mga katolikong Pilipino sa Middle East na pagyamanin ang pananampalatayang kristiyano.

Ito ang mensahe Fr. Troy De Los Santos, OFM Capuchin ang Vicar General ng AVOSA sa pagtatapos ng 500 Years of Christianity celebrations sa United Arab Emirates.

Hamon ng pari sa mga Overseas Filipinos sa UAE na patuloy ipalaganap ang kristiyanismo bilang mga misyonerong katuwang ng simbahang katolika.

“Hindi ibig sabihin na tinatapos natin ang selebrasyon [500YoC] ay hihinto na tayo, bagkus tayong mga Katolikong Pinoy sa Abu Dhabi at sa buong UAE ay patuloy nating papagningasin, papag-alabin at pagyamanin ang magandang regalo ng ating pananampalataya na tinanggap ng mga ninunuo,” pahayag ni Fr. De Los Santos sa Radio Veritas.

Ginanap ang ‘closing mass’ ng ikalimang sentenaryo ng kristiyanismo sa Saint Joseph Cathedral sa Abu Dhabi na dinaluhan ng daan-daang OFWs sa pangunguna ni Fr. De Los Santos noong April 24 kasabay ng kapistahan ng Divine Mercy.

Kasabay ng pagdiriwang ng 500YoC sa Pilipinas, inilunsad din ng Katolikong Pinoy sa Abu Dhabi ang iba’t ibang programa tulad ng mga online recollection at mga panayam ng mga lider ng simbahang katolika na makatutulong mapayabong ang kristiyanismo kahit malayo sa Pilipinas.

Ilan sa mga nagbahagi ng panayam ay sina Cardinal Luis Antonio Tagle, Prefect ng Dicastery for New Evangelization, CBCP President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David at iba pang opisyal ng simbahan sa Pilipinas.

Hamon ni Fr. De Los Santos sa bawat Pilipinong katoliko na ipagpatuloy ang pagiging misyonero sa bawat komunidad na kinabibilangan.

“Tungkulin ng bawat isa na ipasa ang kaloob na pananampalataya sa mga susunod na henerasyon,” giit ni Fr. De Los Santos.

Child protections, ipapatupad ng CEAP

 20,277 total reads

 20,277 total reads Naninindigan ang Catholic Education Association of the Philippines sa kahalagahan na ipatupad ng Catholic education sector ang child protections. Ikinababahala ng CEAP ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 214,958 total reads

 214,958 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 246,689 total reads

 246,689 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 348,513 total reads

 348,513 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 389,074 total reads

 389,074 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 401,200 total reads

 401,200 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top