4,605 total views
Binawi ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III ang travel clearance ni Ako Bicol Rep. Zaldy Co at iniutos na umuwi siya sa Pilipinas sa loob ng 10 araw.
Sa liham na may petsang Setyembre 18, ipinaabot ng bagong pinuno ng Kamara kay Co na ang kanyang travel clearance para sa personal na biyahe ay binabawi na at wala nang bisa.
Dagdag pa ni Dy, “This revocation is issued in the paramount interest of the public and due to the existence of pressing national matters requiring your physical presence.”
Ayon sa kautusan ng Speaker, “in the exigency of service, you are hereby directed to return to the Philippines within ten (10) calendar days from your receipt of this notice.”
Ayon kay Dy, kinakailangan nang bumalik sa bansa si Co upang harapin ang mga alegasyon laban sa kaniya.
Nagbabala rin ang Speaker na ang hindi pagtalima ay may kaakibat na mabigat na parusa.
“Failure to comply with this directive within the prescribed period shall be construed as a refusal to subject yourself to the lawful processes of the House of Representatives and may result in the initiation of appropriate disciplinary and legal actions,” ayon pa kay Speaker Dy.
Una nang isinasangkot si Dy sa mga maanomalyang flood control project kung saan kabilang din ang kaniyang kompanya na Sunwest Construction sa pinangalanan ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nakakuha ng may pinakamaraming proyekto sa Department of Public Works and Highways (DPWH).




