The Truth will set you free.(John 8:32)

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 404 total views

Ito ang paalala ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani sa alegasyon ng Pangulong Rodrigo Duterte na mayroon siyang dalawang asawa.

Sa panayam ng programang Veritas Pilipinas, hinamon ni Bishop Bacani ang pangulong Duterte na ilantad sa publiko ang dalawang babaeng kanyang naging asawa.

Ayon sa Obispo, nakahanda niyang ipangutang ang 10-milyong pisong pabuya na kanyang ibibigay kay pangulong Duterte para sa dalawang babaeng mai-produce o mailantad nito sa publiko na magpapatunay ng kanilang kaugnayan bilang mag-asawa.

“Unang-una saan nakuha ng presidente yun? Alam mo, kung makapag-produce ang presidente ng kahit na isang asawa ko, bibigyan ko siya ng limang milyong piso. Kahit mangutang ako, kung maka-produce siya ng dalawa, makaka-sampung milyon ang presidente natin,” pahayag ni Bishop Bacani sa Radio Veritas.

Pinaalalahanan naman ni Bishop Bacani ang pangulong Duterte na maghunos-dili at huwag niyang lalabanan ang katotohanan sa pamamagitan ng kasinungalingan at paninira sa kapwa.

“Pero huwag naman niyang lalabanan ang katotohanan sa pamamagitan ng kasinungalingan at paninira ng kapwa. Maghunos-dili naman siya, presidente siya, hindi naman ordinaryong tsismoso.”paalala ng Obispo.

Pinayuhan pa ni Bishop Bacani ang punong ehekutibo na huwag niyang pababain ang tingin ng taongbayan sa presidente ng Pilipinas na naniniwala sa maling tsismis.

“Kapag ganyan, masyado niyang dini-degrade ang pagka-presidente, bumababa ang tingin ng tao sa presidente na tsismoso, mali pa ang tsismis at hindi pa totoo. Ang tagal nang maraming nag-aakusa sa akin ng mga iba-ibang bagay, pero pagkakaroon ng asawa, hindi pa ako inakusahan ni minsan.”paglilinaw ni Bishop Bacani sa programang Veritas Pilipinas.

Nagsimula ang akusasyon ng pangulong Duterte kay Bishop Bacani matapos kuwestiyunin ng Obispo ang tumataas na bilang ng “death under investigation” na umaabot na sa mahigit 4-libo kaugnay ng pina-igting na kampanya ng pamahalaan kontra iligal na droga.

Sinang-ayunan ni Bacani ang pahayag ni Senate president Aquilino Pimentel III na hindi statistics ang kailangan ng taong bayan kundi ang resulta ng imbestigasyon na may kinalaman sa mga kaso ng death under investigation sa ilalim ng administrasyong Duterte.

Nilinaw ng Obispo na ang pagsagip sa buhay ng mga nagkamali ang ginagawang pagpuna ng Simbahang Katolika sa mga polisiya ng Pangulong Duterte lalo na sa kampanya kontra iligal na droga.

Tiniyak ni Bishop Bacani na kaisa ng administrasyong Duterte ang Simbahang Katolika sa kampanya kontra iligal na droga at maling pamamaraan lamang ang kanilang tinututulan.

Ang Simbahan ay pinapahalagahan ang sagradong buhay ng tao sa pamamagitan ng pagbibigay ng panibagong pagkakataon sa mga nagkamali at nagkasala na magbagong buhay lalo sa pagtatayo ng mga drug rehab centers.

Read: http://www.veritas846.ph/drug-rehab-centers-ng-simbahan-kabilang-sa-mga-dadalawin-ng-wacom4-delegates/
http://www.veritas846.ph/nawawalang-espiritwalidad-dahil-sa-addiction-ibabalik-ng-simbahan/
http://www.veritas846.ph/kasama-drug-rehab-program-inilunsad-ng-diocese-bangued/
http://www.veritas846.ph/simbahan-bukas-ang-pintuan-sa-drug-dependents-cardinal-tagle/
http://www.veritas846.ph/simbahan-bukas-ang-pintuan-sa-drug-dependents-cardinal-tagle/

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lights! Camera! Action?

 5,980 total views

 5,980 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 130,391 total views

 130,391 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 173,923 total views

 173,923 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 254,992 total views

 254,992 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 47,063 total views

 47,063 total views AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 252,574 total views

 252,574 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top