Tugunan ang pangangailangan ng mga guro, panawagan ng TDC

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 947 total views

Binigyang-pugay ng Teacher’s Dignity Coalition (TDC) ang bawat guro sa paggunita ng World Teachers Day sa October 5.

Ayon kay Benjo Basas – Chairperson ng TDC, napakahalaga ang pagdiriwang at pagkilala sa mga guro sa gitna ng nararanasang COVID-19 pandemic.

“Marapat na ipagdiwang dahil itoy pagpapahalaga sa mga teacher natin, pagpapaalala sa madla, sa buong mundo na ang mga guro ay napakahalaga dahil humuhubog ng lipunan. Yung mga bata, tinuturuan na eventually sila rin yung henerasyon na magmamana ng ating society in the very near future,” pahayag ni Basas sa Radio Veritas.

Ipinaalala naman ng TDC na gamitin ang pagdiriwang sa World Teachers Day upang palakasin ang panawagan na matugunan ang mga suliranin sa sector ng edukasyon alinsunod sa batayan ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO).

“Mas mainam sana na yung ating mga guro ay bigyan talaga ng sapat na pagkilala, ng maayos na pagtrato sa pamamagitan ng pag-provide doon sa aming pangangailangan especially in terms of mga socio-economic needs and status of our teachers,” ayon pa sa panayam kay Basas.

Unang kinilala at binigyan ng pagpupugay ng Catholic Educational Association of the Philippines ang mga guro sa paggunita simula pa noong September 5 ng World Teachers Month na magtatapos sa October 5 bilang paggunita sa World Teachers Day.

Ayon sa CEAP, sinabi ng Kaniyang Kabanalang Francisco na ang pagiging guro ay isang misyon na pinipili ng ilan upang ibahagi ang edukasyon sa nakararami.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 57,467 total views

 57,467 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 57,467 total views

 57,467 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 57,467 total views

 57,467 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 55,705 total views

 55,705 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 50,878 total views

 50,878 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top