Tugunan ang suliraning panlipunan at itigil ang red-tagging, panawagan ng obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 709 total views

Umapela ang Church People-Workers Solidarity sa pamahalaan na itigil na ang patuloy na pag-uugnay sa ilang mga indibidwal na kaanib ng makakaliwang grupo o red-tagging.

Ayon kay San Carlos Bishop Gerardo Alminaza-chairperson ng Church People-workers, ito ay nag-aanyaya lamang ng karahasan sa mga taong iniuugnay sa komunistang grupo.

Pagbabahagi pa ng obispo, nakababahala ang red-tagging kung saan maging ang mga lingkod ng simbahan ay hindi rin ligtas sa mga maling paratang nang pakikisangkot sa mga makakaliwa at komunista.

“So, no one is spared now, I hope they stop red-tagging and really focus on addressing the root cause of the problem,” ang bahagi ng pahayag ni Bishop Alminaza sa panayam sa Radio Veritas.

Paliwanag pa ng obispo na siya ring vice-chairman ng NASSA/Caritas Philippines, sa halip na tutukan ang red-tagging sa mga kritiko bilang mga kalaban ng administrasyon ay mas dapat tutukan ang pagtugon sa mga suliraning panlipunan na nagpapahirap sa mamamayan.

Sinimulan na ng senado ang imbestigasyon sa red-tagging o ang pagdadawit ng militar sa ilang mga personalidad at grupo ng mga kababaihan sa mga rebeldeng komunista.

Isa sa mga ipinatawag ng senado ay si Armed Forces of the Philippines (AFP) Southern Luzon Command Chief Lt. Gen. antonio Parlade Jr., na nag-ugnay sa ilang mga artistang babae bilang mga kaanib ng mga komunista base sa kanilang mga personal social media account.

Nanawagan rin si Bishop Alminaza sa lahat na maging mapagmatyag at mapagbantay upang maproteksyunan ang mga nadadawit sa red-tagging na karamihan ay ang mga pumupuna sa kawalan ng katarungang panlipunan at patuloy na paghihirap ng mga mamamayan.

“I think ang panawagan ko siguro is to be vigilant and to keep calling for protecting itong ating mga kapwa na sinisikap lang na umahon tayo sa kahirapan at mapaganda naman yung pamumuhay nung ating kababayan na mahihirap ay nire-red-tag pa sila. So I don’t know pwede sa social media o whatever means that we can organized to protect this people but part of it is really exposing and talking it [para mapigilan ang anumang karahasan laban sa mga na-red-tag],” dagdag pa ni Bishop Alminaza.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 58,402 total views

 58,402 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 58,402 total views

 58,402 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 58,402 total views

 58,402 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 56,606 total views

 56,606 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 51,698 total views

 51,698 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top