Tularan ang kabutihan ng mga Santo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 690 total reads

Ito ang binigyang-diin ni Caritas Manila Executive Director at Radio Veritas President Rev. Fr. Anton CT. Pascual sa All Saints Day Mass na ginanap sa Holy Trinity Chapel, Loyola Memorial Park, Marikina City.

Ayon kay Fr. Pascual ang pagdiriwang ng All Saints Day o Pista ng mga Banal ay nagbibigay ng inspirasyon sa mga mananampalataya na magbalik-loob sa Panginoon at hangarin na lumago sa kabutihan, pag-ibig at paggalang.

Hinamon din ng pari ang bawat isa tularan ang kabutihan ng mga santo na sa kabila ng kanilang mga nakaraang pagkakasala ay piniling magpakasakop at lumapit kay Kristo.

“Every saint has a past and every saint has a future. Ito ay hamon para sa ating lahat na we can change right now and change today to grow in holiness. Of course it is impossible on our own merits. It is only possible with God’s grace” pahayag ni Fr. Pascual.

Sinabi rin ni Fr. Pascual na ang pagsasabuhay at pagtulad sa mga santo ay makapaghahatid sa atin sa kaharian ng Panginoon at makapagbibigay ng buhay na walang hanggan sa piling ng Diyos na maylalang.

“Sila [mga santo] ay bayani ng ating pananampalataya. Mga ordinardyong tao, nagkasala din ngunit sa grasya ng Diyos sila ay nagpasakop kay Lord at sila ay binago ng Panginoon at naging huwaran ng kabanalan. At ito ay hamon para sa atin sapagkat tayo ay niliha ng Diyos upang maging banal sapagkat ang ating Diyos ay banal at tayo ay tinadhana ng Panginoon para sa langit,” dagdag ng pari.

Una nang sinabi ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani na bawat tao ay tinatawag ng Panginoon upang maging santo sa sariling mga pamamaraan upang sa takdang panahon ay makasama tayo ng Diyos, mga banal at mga anghel sa kalangitan.

READ: Lahat ng tao, tinatawag na maging Santo

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 57,496 total reads

 57,496 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 136,715 total reads

 136,715 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 170,160 total reads

 170,160 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 205,458 total reads

 205,458 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 429,655 total reads

 429,655 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 297,683 total reads

 297,683 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 408,745 total reads

 408,745 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top