Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Tunay na sagabal sa mga silid-aralan

SHARE THE TRUTH

 2,114 total views

Mga Kapanalig, inutos kamakailan ni Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte na tanggalin ang lahat ng dekorasyon sa mga silid-aralan sa mga pampublikong paaralan. Inatasan niya ang mga gurong tanggalin ang lahat ng mga nakapaskil na dekorasyon gaya ng mga poster ng mga alpabeto, mga kawikaan, at mga litrato ng mga presidente at mga bayani. Ito raw ay para walang sagabal sa pokus ng mga estudyante sa kanilang pag-aaral.

Para sa ilan, unnecessary o hindi importante ang kautusang ito ng DepEd. Nakatutulong daw ang ilan sa mga posters at visual aids sa pagtuturo ng mga guro at sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Hindi rin daw nakonsulta ang mga guro sa kung ano ang dapat gawin sa mga visual aids at kung ang mga ito ba ay talagang kailangan o hindi.  

Sa kabila ng mas marami at mas malalim na problemang kinahaharap ng mga pampublikong paaralan, mas napagtuunan pa ng pansin ng DepEd ang mga dekorasyong pinaghandaan at ginastusan pa ng mga guro. Nariyang taun-taon na lang pinoproblema ang kakulangan sa mga classroom at mga pasilidad katulad ng mga palikuran. May mga gurong umaabot hanggang walong klase ang hinahawakan at may 30 hanggang 50 na mag-aaral sa bawat klase. Problema rin ang mga sira-sirang upuan, hindi sapat na bentilasyon, kulang-kulang na libro, at mga classroom na binabaha sa tuwing lumalakas ang ulan.  

Kung ganito ang sitwasyon ng daanlibong mag-aaral sa maraming pampublikong paaralan, ano nga ba talaga ang mga bagay na higit na nakaaapekto sa pokus ng mga mag-aaral—ang mga nakapaskil na dekorasyon sa dingding nga ba o ang kawalan ng maayos na pasilidad at serbisyong pang-edukasyon? 

Sa datos ng DepEd, umabot na ng 18.8 milyon ang kabuuang bilang ng mga enrollees para sa pasukang nagsimula ngayong araw. At nasa 159,000 naman ang bilang ng kulang na silid-aralan para sa mga papasok sa mga pampublikong paaralan. Laging pangako ng ating gobyernong tutugunan daw nito ang kakulangan sa mga silid-aralan, ngunit hindi nito maipagagawa ang lahat ng kailangang eskwelahan at silid-aralan dahil hindi sapat ang badyet nito para sa kakailanganing classroom. Walang palyang taun-taon na lamang pinoproblema at tinitiis ng mga guro at mga mag-aaral ang kakulangan sa mga silid-aralan. Nakadidismayang nananatili itong problema kahit na taun-taon namang tumataas ang badyet ng DepEd. Nakalulungkot na sa kabila ng kaawa-awang sitwasyon ng mga guro at mag-aaral sa ating mga pampublikong paaralan, nagawa pang humingi ng DepEd ng 150 milyon pisong confidental funds na gagamitin daw upang labanan ang mga nais humikayat sa mga estudyanteng kalabanin ang gobyerno. 

Hindi dapat magbulag-bulagan ang ating pamahalaan sa mga bagay na tunay na nakasasagabal sa pag-aaral ng mga estudyante. Higit na kapakipakinabang para sa mga mag-aaral kung hindi sila nagsisiksikan sa isang classroom, kung kumpleto ang kanilang mga libro, kung maayos ang mga pasilidad, at kung sapat ang sahod ng mga guro. Sa laki ng badyet na ibinibigay sa DepEd, malaki rin ang responsibilidad nitong lutasin ang kakulangan sa mga silid-aralan at iba pang mas malalaking problema sa sektor ng edukasyon. Sa Catholic social teaching na Rerum Novarum, binigyang-diin na trabaho ng estadong tugunan ang mga kagyat na pangangailangan at gawing maayos ang sitwasyon ng mga mamamayan.6 Tungkulin ng pamahalaang isulong ang interes ng publiko at maglingkod tungo sa kabutihang panlahat. Ang pamahalaan ang may pananagutang maglaan ng oportunidad sa bawat mamamayan na mapaunlad ang kanilang buhay, at malaking bahagi nito ang dekalidad na edukasyon.  

Mga Kapanalig, sabi nga sa Lucas 12:48, “ang binigyan ng marami ay hahanapan ng marami”, kaya dapat lang na bigyang-prayoridad ng pamahalaan ang mga isyung matagal nang kinahaharap ng ating mga pampublikong paaralan.  

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 23,621 total views

 23,621 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 31,102 total views

 31,102 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 44,242 total views

 44,242 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 50,215 total views

 50,215 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 55,968 total views

 55,968 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 23,622 total views

 23,622 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 31,103 total views

 31,103 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 44,243 total views

 44,243 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 50,216 total views

 50,216 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 55,969 total views

 55,969 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 41,804 total views

 41,804 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 42,888 total views

 42,888 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 38,269 total views

 38,269 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 50,273 total views

 50,273 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 58,315 total views

 58,315 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 49,872 total views

 49,872 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 48,297 total views

 48,297 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 50,083 total views

 50,083 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 47,008 total views

 47,008 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 61,322 total views

 61,322 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top