Ipanalangin sa Panginoon ang pagtatagumpay ng bagong taon ng pag-aaral.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,375 total reads

Ito ang mensahe ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco sa mga guro, school administrators, legal guardians at mga estudyante sa pagsisimula ng school year 2023-2024 sa mga pampublikong paaralan ngayong August 29, 2023.

Ayon sa Obispo, bagamat hindi lahat ng mag-aaral ay katoliko ay nagkakaisa naman ang mga relihiyon na sa paraan ng pagdarasal ay naipaparating sa Diyos ang mabubuting hangarin at kahilingan.

“Nakikita niyo kahit papaano ay nalampasan natin yung 2022-2023, bakit? nagdasal tayo, tumawag tayo sa Diyos, hindi natin alam kung ano ang haharapin natin pero nakalipas tayo, nahaharap natin yung ibang mga challenges,” ayon sa panayam ng Radio Veritas.

Tiwala din si Bishop Ongtioco na sa bisa ng taimtim na pananalangin ay magiging handa ang bawat mag-aaral na magkaroon ng karagdagang lakas ng loob upang harapin ang mga hamon sa school year 2023-2024.

Ito ay sa tuluyang panunumbalik ng face-to-face classes ngayong taon na maari pa ring mahaluan ng mga modular at online hybrid learning kung saan marami sa mga mag-aaral ang nakakaranas ng mental health problems.

“Pero lahat yan kayang kaya kung marunong tayong magdasal, tumawag sa Diyos ang panalangin hindi para sa katoliko lang, it’s for all, even the Muslims they pray, ang mahalaga humihingi tayo ng tulong sa Diyos,” ayon pa sa panayam ng Radio Veritas kay Bishop Ongtioco.

Sa datos ng Department of Education, umaabot pa lamang sa 22.8-milyon ang bilang ng mga mag-aaral sa parehong mga pampubliko at pribadong paaralan na mababa sa 28-milyon noong nakalipas na taon ng pag-aaral.

Naunang mensahe ng CBCP-Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education sa mga guro, estudyante, kawani ng paaralan, magulang o legal guarding at stakeholders ng sektor ng edukasyon ang patibayin ang pagkakaisa upang sama-samang matugunan ang suliranin at maging matagumpay ang School Year 2023 to 2024.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Fashion show sa baha

 31,557 total reads

 31,557 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 53,926 total reads

 53,926 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 90,426 total reads

 90,426 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 311,051 total reads

 311,051 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 343,862 total reads

 343,862 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top