Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Tungo sa pagkamit ng hustisya

SHARE THE TRUTH

 294 total views

Mga Kapanalig, noong nakaraang linggo, nagdesisyon ang International Criminal Court (o ICC) na ipagpatuloy ang pag-iimbestiga sa madugong “war on drugs” ng administrasyong Duterte. Ito ay matapos ibasura ng ICC ang apela ng gobyerno ng Pilipinas na itigil ang imbestigasyon. 

Kung matatandaan, kumalas ang Pilipinas sa kasunduan ng Rome Statute na nagtatag sa ICC, isang independiyenteng korte na dumidinig sa mga crimes against humanity—kung saan pumapaloob ang extrajudicial killingswar crimes, at crimes of aggression. Layunin ng korteng ito na masigurong napapanagot ang lahat ng lumalabag sa mabibigat na krimeng nabanggit.  

Tuluy-tuloy sana ang imbestigasyon ng ICC sa “war on drugs” ng administrasyong Duterte kung hindi hiniling ng ating gobyerno noong 2021 na pansamantalang itigil ang imbestigasyon. Magkakaroon naman daw ng sariling imbestigasyon ang ating gobyerno. Gayunpaman, nitong Enero muling binuksan ng ICC ang imbestigasyon dahil hindi ito kumbinsidong sapat ang ginawang imbestigasyon ng ating awtoridad. Kasunod ng pagpapatuloy sa imbestigasyon ng ICC ang apela ng Office of the Solicitor General na ibinasura ng ICC nakaraang linggo. Sinasabi ng ating gobyerno na opisyal nang kumalas ang Pilipinas sa ICC noong 2019 kaya wala na raw dapat hurisdiksyon ang korte sa ating bansa. Ngunit itinuturing pa ring may bisa ang imbestigasyon dahil naganap ang drug war noong miyembro pa ang Pilipinas ng Rome Statute mula Nobyembre 2011 hanggang Marso 2019.  

Malaking bagay ang desisyong ito ng ICC sa pagkamit ng hustisya sa ngalan ng mahigit anim na libong napatay sa mga operasyon ng pulisya upang sugpuin ang problema sa iligal na droga.  Maliban sa mga sinasabing gumagamit at nagtutulak ng droga na silang pangunahing biktima ng war on drugs, maituturing ding biktima ang mga pamilyang naiwan nila—ang mga anak at asawa nilang umaasa sa kanila. Ibang usapin pa ang mga inosenteng bata na itinuring lang na “collateral damage” ng pamahalaan, mga nadamay sa pagpapatupad ng giyera kontra droga. Hanggang ngayon, humihingi pa rin ng hustisya.  

Dapat na imbestigahan ang pag-aabuso sa kapangyarihan ng awtoridad sa ilalim ng nakaraang administrasyon kaugnay sa mga pagpatay sa ngalan ng pagsugpo sa droga. Ang pagpapanagot ng ICC ay isang makabuluhang tagumpay na tumuldok sana sa kultura ng karahasan at patayan na iniwan ng administrasyong Duterte. Mahalaga rin ang pakikipagtulungan ng kasalukuyang administrasyon sa pagkamit ng hustisya at sa pagpapanagot ang mga maysala. At kung paninindigan ng mga sangkot sa krimeng ito ang hindi nila pagtalima sa ICC, pinatutunayan lang nito ang sabi sa Mga Kawikaan 21:15 na “kapag katarungan ang umiiral, ang mga matuwid ay natutuwa, ngunit natatakot ang masasama.”  

Gaya rin ng binibigyang-diin sa mga panlipunang turo ng Simbahan, pangunahing papel ng pamahalaang tiyaking nakakamit ng mga mamamayan ang common good o kabutihang panlahat. Mangyayari lamang ito kung naitataguyod ang mga dignidad ng buhay ng tao, mga karapatang pantao, at ang tunay na katarungan. Palaisipan pa kung ano ang susunod na hakbang ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr gayong kaalyado niya ang dating pangulo. Panalangin nating mananaig ang katarungan para sa mga biktima ng giyera kontra droga. 

Mga Kapanalig, dapat harapin ng gobyerno ang imbestigasyong ito. Kung ikukumpara ang kanilang sitwasyon sa libu-libong taong sangkot diumano sa iligal na droga na sapilitang dinampot nang walang warrant of arrest at pinatay nang walang due process, maituturing pang suwerte si dating Pangulong Duterte at ang kanyang mga kaalyado dahil may pagkakataon silang depensahan o ipagtanggol ang kanilang mga sarili. Suwerte sila dahil hindi ipinagkait sa kanila ang karapatan nilang dumaan sa tamang proseso ng batas, bagay na hindi nakamit ng karamihan sa libu-libong kababayan nating walang labang pinatay.  

Sumainyo ang katotohanan.  

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 14,477 total views

 14,477 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 21,958 total views

 21,958 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 35,098 total views

 35,098 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 41,071 total views

 41,071 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 46,825 total views

 46,825 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 14,478 total views

 14,478 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 21,959 total views

 21,959 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 35,099 total views

 35,099 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 41,072 total views

 41,072 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 46,826 total views

 46,826 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 41,154 total views

 41,154 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 42,238 total views

 42,238 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 37,619 total views

 37,619 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 49,623 total views

 49,623 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 57,665 total views

 57,665 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 49,222 total views

 49,222 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 47,647 total views

 47,647 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 49,433 total views

 49,433 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 46,358 total views

 46,358 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 60,672 total views

 60,672 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top