Ugnayan ng Simbahan sa komunidad papalakasin kontra culture of death

SHARE THE TRUTH

 416 total views

Naninindigan ang Arsobispo ng Nueva Caceres laban sa pagsusulong ng parusang kamatayan at patuloy na pagdami ng napapatay sa kampanya ng pamahalaan kontra iligal na droga sa bansa.

Binigyan diin ni Caritas Philippines National Director at Caceres Archbishop Rolando Tria Tirona na sagrado ang buhay ng tao at ang Diyos ay patuloy na nagbibigay ng kanyang biyaya ng pagpapatawad.

Dahil sa patuloy na banta sa buhay, tiniyak ni Archbishop Tirona na kanilang paiigtingin at palalakasin sa selebrasyon ng “Year of the Parish” ang ugnayan ng parokya sa  sambayanang Kristiyano bilang Basic Ecclesial Communities upang mabigyang halaga ang buhay ng tao at pagpapatawad sa mga nagkasala.

“Ang programa po natin unang – una ay positibo sa pagbibigay ng kahalagahan ng buhay ng tao at lalong – lalo na ang kahalagahan ng pag – asa. At itong buhay at pag – asa ay nagaganap sa ating sambayanan. Kaya ang mga kaparian rito ang kanilang bukang bibig ay kailangan nating palalimin ang ugnayan bilang mga parokya at sambayanang Kristiyano bilang BEC at sa loob ng sambayanang ito dapat mamutawi o mangibabaw ang kahalagahan at kabanalan ng buhay at kagandahan ng pag – asa. Mahalaga diyan siyempre ang mensahe ng pagpapatawad at pagbibigay ng bagong buhay sa sinumang nagkamali sa buhay na ito,”pahayag ni Archbishop Tirona sa panayam ng Veritas Patrol.

Nauna rito, hinimok ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mamamayang Pilipino na bigyan ng pag-asang makapagbagong buhay ang mga nagkasala.

read:
http://www.veritas846.ph/bigyan-ng-pag-asa-ang-mga-makasalanan-cardinal-tagle/

Umaasa rin si CBCP Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People chairman Balanga Bishop Ruperto Santos na magising at bigyan pansin ng pamahalaan ang survey na 8 sa 10 o 78 – porsiyento ng mga Pilipino ay nababahala at natatakot sa laganap na extra – judicial killings sa bansa.

read:http://www.veritas846.ph/takot-ng-mga-pilipino-sa-ejk-wake-call-sa-pamahalaan/

Samantala, hinimok naman ng ilang anti – culture of death sa Kongreso ang mga opisyal ng Simbahan at mga civil groups na magpahayag ng kanilang nagkakaisang pagtutol sa death penalty.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Gawing viral ang katotohanan

 532 total views

 532 total views Mga Kapanalig, “The truth shall set us free! Not AI, not fake news!” Ito ang pahayag ni House of Representatives spokesperson Princess Abante

Read More »

Pakikiisa sa mga imigrante

 15,352 total views

 15,352 total views Mga Kapanalig, libu-libong taga-Amerika ang lumabas sa mga lansangan ng Los Angeles sa Estados Unidos bilang pagtutol sa mararahas na raids ng Immigration

Read More »

Lupain ng kapayapaan

 32,872 total views

 32,872 total views Mga Kapanalig, mahigit isang buwan nang Santo Papa si Pope Leo XIV. Noong Mayo 30, may ganito siyang pahayag: “the path to peace

Read More »

EARLY CHILDHOOD CARE AND DEVELOPMENT

 86,445 total views

 86,445 total views Napakaraming magagandang batas sa Pilipinas Kapanalig, pero marami sa mga ito ay hindi naipatupad ng maayos,palpak ang implementasyon… naging ugat ng katiwalian at

Read More »

4Ps ISSUES

 103,682 total views

 103,682 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Jerry Maya Figarola

Alay Kapwa Orientation program, inilunsad

 22,619 total views

 22,619 total views Inilunsad ng Caritas Philippines ang Alay-Kapwa Orientation program sa Diocese of Boac upang mapalalim at higit na mapalawig ang adbokasiya nito. Ito ay

Read More »

RELATED ARTICLES

Jubilee 2025: PILGRIMS OF HOPE

 46,524 total views

 46,524 total views Sa araw na ito ng Kapistahan ng Sagrada Pamilya, atin ding inilulunsad Hubileo ng Pagasa. Idineklara ng Santo Papa ang taon 2025 bilang

Read More »

Ayaw ko ng Divorce, sabi ng Diyos

 72,339 total views

 72,339 total views AVT Liham Pastoral Minamahal kong mga Kristiyano sa Bikaryato ng Taytay, Hayaan po nating magsalita ang Diyos sa atin. Maliwang ang kanyang sinasabi.

Read More »

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 115,522 total views

 115,522 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
Scroll to Top