Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Umento sa sahod ng uniformed at non-uniformed personnel ng gobyerno, pinuri

SHARE THE TRUTH

 279 total views

Ikinatuwa ng Mindanao Bishop ang naging pahayag ni Budget Secreatry Benjamin Diokno na hindi lamang mga sundalo, pulis at ibang uniformed personnel ang makakatikim ng dagdag na sahod sa taong 2017 kundi maging mga sibilyan na kawani ng gobyerno.

Ayon kay Prelatura ng Isabela de Basilan Bishop Martin Jumoad, mahalagang bigyang umento sa sahod ang mga unipormeng hanay ng pamahalaan upang mawala na ng tuluyan ang korapsyon na umiiral sa kanilang samahan.

Iminungkahi rin ng Obispo na mas dagdagan ang sahod ng mga guro at nurses na silang nagbibigay ng kanilang tapat na serbisyo sa mamamayan.

“Maganda yun para wala ng corruption sa military and then they will really be absorbed and committed and loyal in enforcing the laws. For me it’s a welcome development and sana mabigyan din ng pansin ang mga teachers, at mga nurses at lahat ng mga government employees,” bahagi ng pahayag ni Bishop Jumoad sa panayam ng Veritas Patrol.

Inihayag ni ACT Teachers Partylist Rep. Antonio Tinio sa pagdinig ng 2017 proposed national budget sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na umaasa ang nasa 1.4 na milyon government workers sa umento sa sahod lalo na sa ipinasang Salary Standardization Law na bigong ipatupad ng nakaraang administrasyon.

Magugunitang hinamon ni Pope Francis ang mga kinatawan ng pamahalaan sa United Nations na laging kilalanin ang dignidad ng manggagawa na mas nakahihigit kaysa kita o salapi.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GEN Z PROBLEM

 29,121 total views

 29,121 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »

STATE AID o AYUDA

 47,105 total views

 47,105 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 67,042 total views

 67,042 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »

Witch hunt?

 83,939 total views

 83,939 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 97,314 total views

 97,314 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Jubilee 2025: PILGRIMS OF HOPE

 73,346 total views

 73,346 total views Sa araw na ito ng Kapistahan ng Sagrada Pamilya, atin ding inilulunsad Hubileo ng Pagasa. Idineklara ng Santo Papa ang taon 2025 bilang

Read More »

Ayaw ko ng Divorce, sabi ng Diyos

 99,161 total views

 99,161 total views AVT Liham Pastoral Minamahal kong mga Kristiyano sa Bikaryato ng Taytay, Hayaan po nating magsalita ang Diyos sa atin. Maliwang ang kanyang sinasabi.

Read More »

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 137,178 total views

 137,178 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
Scroll to Top