1,274 total views
Nagpahayag ng pagkadismaya si Cardinal Luis Antonio Tagle – pro Prefect dicastery for Evangelization sa tinagurian ng Santo Papa Francisco na umiiral ang “third world war” sa iba’t-ibang bansa sa daigdig.
Ayon sa Cardinal na pangulo ng Caritas Internationalis, sa halip na humanap ng paraan upang magkasundo at magtulungan ay naghahanap ang bawat isa ng dahilan upang mag-away.
Ito ang pagninilay ni Cardinal Tagle sa pinangunahang misa sa Pontificio Collegio Filippino sa pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Kristong Hari na hudyat sa pagtatapos ng liturhikong taon ng Simbahang Katolika.
“We always have an excuse to be divided but we cannot find enough excuse or reason to be reconciled and to come together, so Pope Francis is quite right, we are in a period of third world war happening in different parts of the world.” pahayag ni Cardinal Tagle.
Ipinaliwanag ng Cardinal na ang pagtatapos ng liturhikong taon ng Simbahang Katolika ay isang pagkakataon para sa lahat upang makapagnilay at magbalik tanaw sa mga dapat tutukan sa hinaharap.
Tinukoy ni Cardinal Tagle ang pagbibigay pansin sa malawakang sigalot at hindi pagkakasundo na umiiral sa iba’t ibang panig ng daigdig na nagdudulot ng kahirapan at pagdurusa sa bawat mamamayan.
Pagbabahagi ng Cardinal, mahalaga ang pagtutulungan ng lahat upang maibahagi sa mas nakararami ang kaharian at paghahari ni Hesukristo na nagpakumbaba at nakipaglakbay sa sangkatauhan.
“We need to show the world the type of kingship that Jesus has offering to us, one of communion, one of closeness and let us encourage and console people who feel alone, who feel that they are facing problems and pain by themselves, let us assure them through our closeness and through Jesus’ witness we have Jesus who is crucified with us and those who stay with Him are promised His eternal communion in paradise may we be good soldiers, subjects of this King of communion.” paanyaya ni Cardinal Tagle
Ang Dakilang Kapistahan ng Kristong Hari ay ginugunita tuwing huling Linggo ng Karaniwang Panahon bilang paghahanda sa Adbiyento o bagong taong liturhiko ng Simbahang Katolika.