229 total views
Pinangunahan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang ‘Ordination to the Diaconate’ ni Ramon Yulo Lorenzo, ang kauna-unahang Filipino deacon ng Legionaries of Christ na ginanap sa Manila Cathedral, Intramuros Manila.
“And I want all of you to please remember this ordination is historic for Luis, is the first Filipino to be ordained within the legionaries of Christ, so we are witnessing history in the making. What a blessing, what a grace, what a responsibility, the Blessed Mother is with us,’ ayon kay Cardinal.
Pangunahing tagubilin ng kanyang Kabunyian kay Luis ay maging tagasunod ni Kristo tulad ng pagtalima ni Maria sa Panginoon.
Ang ordination ay kasabay din ng pagdiriwang ang ‘Feast of the Visitacion of the Blessed Virgin Mary’- ang pagdalaw ng nagdadalang taong si Maria sa kanyang pinsang si Elizabeth na ipinagbubuntis naman si Juan Bautista.
Ayon kay Cardinal Tagle, ang pagiging Deakono ay unang hakbang para sa pagsisilbi na mahalagang pagdaanan ng isang magiging pari na maging tagasunod at mapagkumbaba.
Sa kanyang homiliya, binigyan diin ng kanyang Kabunyian ang kahalagahan ng pagkilala sa sarili tulad ng pagtanggap ni Maria na tagasilbi ng Diyos na kailangan ding isapuso ng isang ‘deacon’.
“Don’t lose that self identity, that self image, I am a servant, servant of God. Every day check whether you still have that self understanding. Immediately after the ordination, you will be treated by others like a movie star. And you might start thinking wow! I’m famous, I am great, I am the star of the world. Prevent that from happening, nobody will see that only you and God. Who are you before God? I am the servant of the Lord! And let us learn from the Blessed Mother, I am a servant of the Lord!,” bahagi ng homiliya ni Cardinal Tagle.
Si Reverend Luis ay ikalawa sa apat na magkakapatid at panganay na anak na lalaki ni dating Agriculture Secretary Luis ‘Cito’ Lorenzo Jr. Ang Legionaries of Christ ay itinatag noong 1941 sa Mexico at ang miyembro ng kongregasyon ay matatagpuan sa 22 bansa sa buong mundo kung saan sila ay may tatlong Obispo, 953 mga pari, at 954 seminarians.