Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

United Nation member countries, pinasalamatan ng Obispo

SHARE THE TRUTH

 271 total views

Nagpapasalamat sa United Nation member countries ang Chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education sa pagpapakita ng malasakit sa karapatan ng mga Filipino kaugnay ng panawagan kay Pangulong Rodrigo Duterte na isantabi ang war on drugs.

Iminungkahi rin ng 45 bansa na kasapi ng UN sa administrasyong Duterte na imbestigahan ang mga pagpaslang sa kampanya kontra iligal na droga maging ito ay sa police operations o summary killings.

Ipinagdarasal ni San Jose Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari na mag-alab sa puso ng mga Pilipino ang tunay na pagpapahalaga sa buhay at bigyan ng pag-asa ang mga lulong sa ipinagbabawal na gamot.

“Nagpapasalamat po kami sa lahat ng bansang nakiisa sa Pilipinas, mga kababayan at simbahan na talagang nagnananais na mahinto na ang pagpaslang sa ating bansa. Sana madama natin ang pagmamahal at malasakit ng mga bansang ito. Ito sana ang mag alab sa ating puso, ang tunay na malasakit mahalaga po ang buhay, mahalaga na ingatan natin ito. Kahit ang buhay ng mga drug addicts, mahalagang matulungan natin silang makarecover, sa kinalalagyan nila kung magtutulong-tulong tayo mas marami tayong magagawa. Huwag nating tapusin ang pag-asa ng mga taong ito,” pahayag ni Bishop Mallari sa panayam ng Radio Veritas.

Inihayag rin ng Obispo na patuloy ang kanilang diocese sa pagbibigay ng mga pagsasanay sa mga counselors para sa community based rehabilitation center katuwang ang local na pamahalaan at ang Philippine National Police.

Sa inilabas na tala ng Philippine National Police, mula Hulyo hanggang Enero ng kasalukuyang taon, mahigit sa 40 libo ang isinagawang police operation na nagresulta sa pagkakapaslang ng humigit-kumulang sa dalawang libong drug personalities habang umaabot naman sa 40 libo katao ang nadakip.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Huwag palawakin ang agwat

 2,929 total views

 2,929 total views Mga Kapanalig, gaya ng inaasahan, maraming tagasuporta ni dating Pangulong Duterte ang nagtipun-tipon sa kani-kanilang lugar para kundenahin ang pag-aresto at pagdadala sa

Read More »

Sementeryo ng mga buháy

 36,380 total views

 36,380 total views Mga Kapanalig, nasa kustodiya na ngayon ng International Criminal Court (o ICC) si dating Pangulong Duterte. Ilang araw lang pagkatapos siyang ilipad patungo

Read More »

Walang education crisis?

 56,997 total views

 56,997 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Hindi sagot ang pag-unfriend

 68,668 total views

 68,668 total views Mga Kapanalig, kumusta ang inyong mga social media feed nitong nakaraang linggo? Punô ba ito ng mga balita, opinyon, o kaya naman ay

Read More »

Katarungang abot-kamay

 89,501 total views

 89,501 total views Mga Kapanalig, pinahahalagahan sa Banal na Kasulatan ang katarungan. Ayon sa Levitico 19:15, “Huwag kayong hahatol nang hindi makatarungan. Huwag ninyong kikilingan ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Marian Pulgo

From maintenance to a Mission church

 22,485 total views

 22,485 total views Ito ang isa sa pangunahing bunga ng isinagawang Synod on Synodality sa Vatican na nagsimula noong 2021 at nagtapos noong Oktubre 2024. Ayon

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top