“Until when will Sierra Madre save us?” -Bishop Alminaza

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 31,013 total views

Mariing nanawagan ang simbahan, para sa paghihilom ng mga kabundukan lalo na ang Sierra Madre na pangunahing proteksyon ng mga tao laban sa malalakas na bagyo.

Ayon kay San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, D.D., incoming president ng Caritas Philippines at incoming chairman ng CBCP–Episcopal Commission on Social Action, Justice and Peace, kinakailangan ang pagkilos ng pamahalaan at mamamayan upang pangalagaan ang kalikasan at labanan ang katiwalian.

Ang pahayag ay makaraang muling mailigtas ng Sierra Madre ang bansa mula sa matinding pinsala ng Bagyong Uwan.

Nagpasalamat din ang Obispo sa biyayang hatid ng Panginoon ng kalikasan, subalit nababahala dulot na rin ng mga pagmamalabis ng tao sa kalikasan.

Ayon kay Bishop Alminaza, “Until when will Sierra Madre save us?”

Iginiit ng obispo, ang mga bundok ay unti-unti nang nasasaktan dahil sa patuloy na pagkakalbo ng kagubatan, quarrying, illegal logging, at mga mapanirang proyekto.

“Our mountains are crying. The wounds of Sierra Madre mirror the wounds of our nation — greed, corruption, and neglect,” ayon sa obispo.

Paliwanag ni Bishop Alminaza, hindi lamang likas na kalamidad ang dapat pangambahan, kundi ang mga kalamidad na kagagawan ng tao na dulot ng kapabayaan at katiwalian.

“Natural disasters are made worse by human disaster. Every typhoon exposes not just our vulnerability to nature, but our failure as a people to care for creation and for one another. Ghost projects, substandard flood controls, and the misuse of public funds are not just technical issues — they are moral failures. They cost lives,” ayon sa obispo.

Dagdag ni Bishop Alminaza, “As Church, our response cannot end with relief. We must move from rescue to reform, from rehabilitation to renewal.”

Panawagan ng obispo ang pamumuhunan sa pagsasaayos ng kagubatan, pangangalaga sa mga watershed, at pagtitiyak ng tapat na pamamahala.

Nanawagan din si Bishop Alminaza sa pamahalaan na gawing pangunahing layunin ang pangangalaga sa kalikasan at tapat na pamamahala sa disaster preparedness.

“Please ensure that ecological protection and honest governance are at the heart of disaster preparedness,” ani ng Obispo.

Binigyang-diin din niya ang tungkulin ng Simbahan sa paghubog ng mga tagapangalaga ng kalikasan at tagapagbantay ng katapatan sa serbisyo publiko.

“Continue forming ecological stewards, watchdogs of transparency, and companions of the poor who always suffer first and recover last,” dagdag pa niya.

Sa mga mamamayan naman, panawagan ng Obispo: “Wag tayong masanay sa laging relief mode. Let us demand justice, honesty, and care for creation.”

Ipinaalala ni Bishop Alminaza na ang pananampalataya ay dapat magtulak sa pagkilos.

“Faith must move us from gratitude to responsibility. If God continues to save us through creation, then the least we can do is to protect creation in return.”

Binigyang-diin niyang panahon na upang tulungan ang Sierra Madre na makapaghilom. “Let us not exhaust the mercy of Sierra Madre — let us help her heal.”

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

International Wellness Day

 40,567 total views

 40,567 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Labanan ang climate disinformation

 63,726 total views

 63,726 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Sigaw ng mga magsasaka

 85,000 total views

 85,000 total views Mga Kapanalig, tatlong pandaigdigang mga institusyon ang nagbabalâ tungkol sa krisis sa pagkain dahil sa nagpapatuloy na giyera sa Middle East. Nagpahayag ang

Read More »

Hindi sapat ang bayanihan

 253,663 total views

 253,663 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top