Pananagutan at pag-asa sa gitna ng pananalasa ng bagyo, panawagan ni Bishop Mangalinao

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 20,356 total views

Nanawagan ng pagkakaisa, pananagutan, at panibagong pag-asa si Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao matapos ang matinding pinsalang idinulot ng Super Typhoon Uwan sa Nueva Vizcaya at Quirino.

Ayon kay Bishop Mangalinao, kabilang ang Bayombong sa mga lugar na dinaanan ng mata ng bagyo na tumagal nang halos pitong oras ang malalakas na hangin at ulan.

“We are at the pathway of the eye of the storm! We endured hours of strong winds and rain beginning at 7 p.m. that lasted almost 2 a.m. here in Bayombong,” ayon kay Bishop Mangalinao sa panayam ng Radyo Veritas.

Ibinahagi ng obispo na nasira ang bubong ng kanilang gymnasium, nabunot ang ilang puno, nagkalat ang mga debris sa paligid, at may ulat din ng bahagyang pinsala sa mga parochial schools sa diyosesis.

Gayunman, labis ang pasasalamat ni Bishop Mangalinao na walang matinding pagbaha sa mga bayan at pamayanan sa lalawigan, ngunit nagbabala rin sa posibilidad ng pagguho ng lupa sa mga parokyang nasa kabundukan.

“Salamat sa Diyos, buhay pa na puno ng pag-asa na makababangon muli,” saad ni Bishop Mangalinao.

Kasabay nito, dalangin ng obispo na mapanagot ang mga sangkot sa katiwalian na aniya’y ugat ng pagkasira ng kalikasan at dahilan ng paulit-ulit na pagbaha.

“Dasal ko na sama-samang makulong ang lahat ng sangkot sa korapsyon na siya ring dahilan kung bakit nasisira ang kabundukan at nagkakaroon ng malalang pagbaha,” giit ng obispo.

Patuloy ang pagtutok ng Diocese of Bayombong sa kalagayan ng mga parokya at mamamayan, habang inihahanda ang mga hakbang para sa pagtulong at rehabilitasyon sa mga apektadong lugar.

Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Bagyong Uwan ngayong gabi o bukas ng madaling-araw at posibleng muling pumasok sa Miyerkules ng gabi habang tumatama sa timog-kanlurang bahagi ng Taiwan, na inaasahang magdudulot ng karagdagang paghina nito.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lights! Camera! Action?

 49,364 total views

 49,364 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 173,775 total views

 173,775 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 216,052 total views

 216,052 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 293,889 total views

 293,889 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top