“Wake up, people of this nation!”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,698 total views

Ito ang masidhing panawagan ni Cebu Archbishop Alberto Uy sa mga Pilipino kasunod ng magkakasunod na pananalasa ng mga mapaminsalang bagyo sa bansa.

Binigyang-diin ng arsobispo na ang mga bundok na nilikha ng Maykapal ay likas na pananggalang laban sa mga sakuna tulad ng malalakas na bagyo at pagguho ng lupa.

“Our mountains protect us from fierce storms, yet we continue to destroy them. When we carve the mountains without conscience, mine them recklessly, or lay them bare, we weaken the very barrier that keeps our communities safe,” ayon kay Archbishop Uy.

Ipinaliwanag din ng arsobispo na ang mga kagubatan ay may mahalagang papel sa pagpigil ng pagbaha. Ang mga ugat ng puno ay sumisipsip ng tubig-ulan, habang ang mga sanga at dahon ay nagbibigay proteksyon sa kapaligiran at sa mga komunidad.

Gayunman, binigyang-diin ni Archbishop Uy na patuloy na nasisira ang likas na yaman dahil sa walang habas na pagmimina, illegal logging, at iba pang gawaing nakapipinsala sa kalikasan, mga sanhi ng flashfloods, malawakang pagbaha, at pagguho ng lupa tuwing may kalamidad.

“My dear people, we must change our ways. We cannot keep repeating the same mistakes and expect different results. Creation is not our property to exploit, but God’s gift to nurture. Its wounds are calling out. Creation is crying and we must listen,” giit ni Archbishop Uy.

Hindi pa man ganap na nakababangon ang mga Cebuano mula sa epekto ng magnitude 6.9 na lindol, ay muling sinubok ang lalawigan ng Bagyong Tino, na nagdulot ng matinding pagbaha at pagguho ng lupa.

Batay sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot na sa 224 katao ang nasawi dahil sa bagyo, mahigit 100 rito ay mula sa Central Visayas, partikular sa Cebu.

Ang Bagyong Tino ang itinuturing na pinakamapaminsalang bagyo sa lalawigan sa loob ng tatlong dekada, mula nang manalasa ang Bagyong Ruping noong dekada 90.

Nanawagan ang arsobispo sa lahat ng mamamayan na magkaisa sa pangangalaga ng kalikasan para sa kapakanan ng kasalukuyan at ng susunod na henerasyon.

“Let us return to the heart of our faith—a heart that respects life, protects the poor, and honors the Creator by caring for His creation. Let us plant trees, protect our mountains, guard our rivers, and hold leaders accountable. Let every parish, every family, every youth, and every leader become a guardian of our common home,” dagdag ni Archbishop Uy.

Samantala, bagaman umabot sa kategoryang super typhoon ang Bagyong Uwan na nanalasa sa malaking bahagi ng Luzon, nakatulong naman ang Sierra Madre mountain ranges upang mapahina ang epekto nito sa pagtama sa kalupaan.

Sa huli, ipinaabot ni Archbishop Uy ang kanyang panalangin para sa kaligtasan, katatagan, at pagkakaisa ng bawat Pilipino sa harap ng mga sakunang patuloy na humahamon sa bansa, kasabay ng panawagang tulungan at lingapin ang mga apektadong residente.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lights! Camera! Action?

 49,318 total views

 49,318 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 173,729 total views

 173,729 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 216,006 total views

 216,006 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 293,847 total views

 293,847 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top