Volunteerism sa gitna ng kalamidad, panawagan ng opisyal ng simbahan sa mga Pilipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,382 total views

Nagpapasalamat si San Fernando La Union Bishop Daniel Presto sa ibat-ibang Faith-based groups at sangay ng pamahalaan na patuloy ang pagtugon sa Bagyong Uwan sa pananalasa nito ngayon sa Pilipinas.

Hinimok ng Obispo ang mga Pilipino na panatiligin ang kalakasan ng loob kabila ng pananalasa ng bagyo at maging bukal ang loob sa pagtulong sa mga apektadong mamamayan.

“Medyo malakas pa ang hagupit ng hangin dito sa San Fernando City, La Union, sa mga Kapatid nating nasalanta ng bagyong Uwan maging ng bagyong Tino ay panatilihin natin ang pananalangin, tibay ng loob, at pananampalataya sa Poong Maykapal, ang pagtutulungan sa isa’t isa ay panatilihin natin, ating pasalamatan ang iba’t ibang sangay ng ating gobyerno, mga faith -based groups, at iba’t ibang organizations na walang-sawang tumutulong sa mga nasalanta ng bagyo,” ayon sa mensaheng pinadala ni Bishop Presto sa Radyo Veritas.

Dalangin naman ni Cubao Bishop Emeritus Honesto Ongtioco ang pamamayani ng kawanggawa at pagtutulungan ngayong panahon ng kalamidad.

Maari ito sa pamamagitan ng pamamahagi ng pagkain, pinaglumaang damit at pagsasabuhay ng ‘Spirit of Volunteerism’ upang maipaabot ang tulong sa mga pinaka-naapektuhan ng kalamidad.

Panalangin din ni Bishop Ongtioco ang muling pagbangon ng mga naapektuhan ng magkakasunod na bagyo upang maipagpatuloy ang maayos at may dangal na pamumuhay.

PANALANGIN ni Bishop Ongtioco:

“Mapagmahal naming Ama gawin mo po ang aming mga puso katulad ng Anak mong si Jesus puno ng pagibig laging hinahanap kami at gumagawa ng paraan upang sa tulong ng iyong biyaya maianggat namin ang aming kapwa, Bigyan mo po kami ng magandang panahon upang makabangon po kami sa mga nakaraang kalamidad at nawa’y sama sama kaming maglakbay at magtulungan sa buhay na ito, Sa tulong ng aming mahal na Ina nawa’y mailapit kami sa kanyang Anak na si Jesus. Amen.” ayon naman sa panalangin na ipadana ni Bishop Ongtioco sa Radyo Veritas.

Pope Leo XIV, bibisita sa France

 9,812 total views

Bibisita si Pope Leo XIV sa France mula Setyembre 25 hanggang 28 para sa kanyang apat na araw na apostolic journey.

Bibisitahin ng Santo Papa ang Paris, Saint-Denis, Lourdes at Metz at makikipagkita sa mga opisyal ng pamahalaan, kabataan, mga obispo, maysakit, migranteng nangangailangan ng tulong at mga relihiyoso.

Sa Paris, makikipagkita ang pinunong pastol kay French President Emmanuel Macron at bibisita sa UNESCO. Pangungunahan din ng Santo Papa ang panalangin kasama ang mga kabataan sa Stade de France.

Sa Lourdes, dadalo rin ang pinunong pastol sa mga gawain para sa mga maysakit at pilgrims at pangungunahan ang Banal na Misa at Rosary procession.

Sa Metz naman, lalahok si Pope Leo sa inter-religious meeting na nakatuon sa kapayapaan at pagkakaisa ng Europe bago bumalik sa Rome.

Nakatakda ring makipagkita ang Santo Papa sa ilang survivors ng pang-aabuso ng ilang lingkod ng simbahan France.

Tema ng pagdalaw ang “That the world may have life,” na nakatuon sa pag-asa, pagkakaisa, kapayapaan at pagkakapatiran.

Ang pagbisita ni Pope Leo XIV ang magiging unang opisyal na state visit ng isang Santo Papa sa France mula nang bumisita si Pope Benedict XVI noong 2008.

Sambayanang Pilipino, hinikayat na subaybayan ang impeachment trial ni VP Duterte

 9,918 total views

Muling hinikayat ng Prosecution Panel ang publiko na patuloy na subaybayan ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Sa panayam ng programang Veritasan ng Radyo Veritas kay Prosecution Spokesperson at Adviser Robert Barbers, sa pamamagitan ng panood sa paglilitis sa Bise Presidente ay makikita ng publiko kung dapat pa bang pagtiwalaan ang pangalawang pangulo base sa mga ebidensyang inilalahad ng prosekusyon, gayundin ang mga ebidenyang ipapakita ng depensa.

Bukod kay VP Duterte, sinabi rin ni Barbers na dito rin makikita ang mga pulitiko o indibidwal na naging bahagi ng paglilitis na kung sila ay naging makatotohanan, patas at makatarungan.

“Kung maari ay sumubaybay sila sa usaping ito, dahil dito mabubuo yung kanilang opinyon tungkol sa pagsuporta sa 2028 ng mga kandidato. Hindi lamang po ng ating pangalawang pangulo kung siya po ay tutuloy bilang kandidato pagka-presidente, titingnan din muna natin sino ba yung mga senador na ika nga eh reliable pa o kaya yung paninindigan sa katotohanan. Yun ang tingnan natin,” ayon kay Barbers.

Bago pa ang paglilitis una na ring nagpahayag si VD Duterte ng kanyang intensyon sa pagtakbo sa pangpanguluhan sa nakatakdang halalan sa 2028.

Dagdag pa ni Barbers, “Ang basehan po natin sa pagpili ng ating mga leader sa 2028 ay yung number one ay integridad. Yung kanyang integridad, siya ba ay na-involve sa isang usapin tungkol sa pandarambong? O yung ating bang leader na pipiliin eh meron bang kredibilidad yan na nagsabing ngayon tapos bukas dineny o nagsisinungaling na hindi daw nasabi? Yung mga ganung punto, dapat itong balansin mabuti ng ating mga kababayan kung ano ang katangiang hahanapin natin sa susunod na halalan.”

Iginiit ng dating mambabatas ng Surigao del Norte na dapat maging pangunahing batayan sa pagpili ng mga lider ang integridad, kredibilidad at paninindigan sa katotohanan.

Gayunman, ang magiging hatol sa impeachment trial ay nasa mga Senator-Judge, habang ang magiging pasya ng mga botante sa 2028 ay nakasalalay sa kanilang sariling pagsusuri sa mga kandidato at sa kanilang mga plataporma at rekord.

Sa susunod na linggo, ay magpapatuloy ang prosecution sa paglalahad ng mga ebidensya at testigo kaugnay sa article 1 ng articles of impeachment kung saan tinatayang may apat na testigo ang ihaharap sa buong linggo ng paglilitis.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CONFIDENTIAL FUND

 72,843 total views

 72,843 total views Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 142,419 total views

 142,419 total views Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 173,703 total views

 173,703 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Sino ang papasan ng system-loss?

 205,716 total views

 205,716 total views Mga Kapanalig, isa sa mga umani ng masigabong palakpakan sa State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ay

Read More »

KULANG SA SONA NI PBBM

 354,304 total views

 354,304 total views Kapanalig, sa anumang hakbang., planong gagawin., polisiyang ipapatupad.,mga pangakong binitiwan, o mga usapin na sadyang iniiwasan. Lagi itong may kulang. Hindi ibig sabihin,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top