Pagbabayanihan ng mamamayan sa Baler, Aurora, pinuri ng Pari

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 22,928 total reads

Nagpapasalamat si Rev. Fr. Israel Gabriel, kura paroko ng San Luis Obispo Parish sa Baler, Aurora sa lahat ng mga nagtulungan para sa kaligtasan ng mga residente mula sa pananalasa ng Super Typhoon Uwan.

Partikular na pinasalamatan ng Pari ay ang lokal na pamahalaan (LGUs) at lahat ng mga boluntaryong tumugon sa pangangailangan ng mga evacuees katuwang ang Simbahan.

Ayon kay Fr. Gabriel, umabot sa humigit-kumulang 1,500-indibidwal ang pansamantalang lumikas at nanatili sa Mount Carmel College of Baler na nagsilbing evacuation center sa Baler at karatig-barangay.

“Nagpapasalamat po tayo sa lahat ng mga LGUs specially nagtulong tulong po kaming lahat, the church and the government helping each other at again pagpapasalamat natin sa lahat ng mga taong nanalangin.” Bahagi ng pahayag ni Fr. Gabriel sa Radyo Veritas.

Pinasasalamatan din ni Fr. Gabriel, ang lahat ng mga nanalangin upang ipag-adya ang lahat mula sa anumang kapahamakan na dulot ng malakas na bagyo.

Pagbabahagi ng Pari, patuloy rin ang koordinasyon ng parokya sa mga awtoridad upang matugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng mga evacuee na nananatiling matatag ang pag-asa na nakaugat sa pananampalataya.

“Sabi nga nila, wala na tayong ibang kakapitan pa kundi ang Diyos, dahil ang direksyon mismo ng bagyo ay patungo sa Baler. Kaya let’s keep on praying, God will do the impossible as He loves us very much.” Dagdag pa ni Fr. Gabriel.

Pagbabahagi ni Fr. Gabriel, maging sa harap ng unos ay nananatiling buhay ang diwa ng bayanihan at pananampalataya sa Baler, Aurora na isang patunay na sa kabila ng dilim, ang liwanag ng pagkakaisa at pananalig sa Diyos ay hindi kailanman mawawala.

Kaugnay nga nito, naitala sa Dinalungan, Aurora ang unang landfall ng Super Typhoon Uwan na nagdulot ng storm surge sa mga baybayin ng lugar.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 40,339 total reads

 40,339 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 90,588 total reads

 90,588 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 138,459 total reads

 138,459 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 242,408 total reads

 242,408 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 326,433 total reads

 326,433 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top