UP-MCM, nagpahayag ng suporta sa vaccination program ng pamahalaan laban sa COVID 19

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 314 total views

Nagpahayag ng suporta ang University of the Philippines – Manila College of Medicine – Department of Pharmacology and Toxicology para sa vaccination efforts ng pamahalaan upang mabigyang lunas ang umiiral na coronavirus pandemic sa bansa.

Ayon sa inilabas na pahayag ng nasabing departamento, sang-ayon ito sa ginagawang pagsisikap ng Department of Health at iba pang mga kawani sa kalusugan upang patuloy na matiyak ang kaligtasan ng publiko laban sa nakakahawang sakit.

Nakasaad din sa pahayag na tunay ngang nakakatulong ang pagpapabakuna laban sa COVID-19 upang mabawasan ang panganib na maidudulot ng virus sa katawan ng tao.

“The faculty and staff of the Department of Pharmacology and Toxicology of the UP College of Medicine supports the evidence-based approaches to addressing the COVID-19 pandemic, including vaccination. Based on our evaluation of the evidence, the benefits of vaccination far outweigh the risks,” ayon sa pahayag ng departamento.

Hinihikayat naman nito ang publiko na magpabakuna ng COVID-19 vaccine para sa kaligtasan, gayundin ang pagkonsulta sa mga eksperto upang malinawan hinggil sa mga dapat na isaalang-alang sa pagbibigay lunas at pag-iwas sa epekto ng COVID-19.

Batay sa COVID-19 Tracker ng Reuters, umabot na sa mahigit 26 na milyon ang nakatanggap na ng bakuna o 12.1-porsyento sa kabuuang populasyon ang nabakunahan laban sa virus.

Patuloy naman ang panawagan ng simbahan sa mamamayan na magpabakuna laban sa virus upang tuluyang malunasan ang paglaganap ng virus sa lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang bayanihan

 80,803 total views

 80,803 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 102,913 total views

 102,913 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Isa pang state of emergency

 178,026 total views

 178,026 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 175,991 total views

 175,991 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top