Uphold the Spirit of EDSA People Power

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,837 total reads

Inaanyayahan ng Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP) ang mga Pilipino na makibahagi sa patuloy na paninindigan sa diwa ng EDSA People Power Revolution.
Ito ang paanyaya ng CMSP sa paggunita ng ika-39 na anibersaryo ng EDSA People Power Revolution sa ika-25 ng Pebrero, 2025 upang muling paalabin ang diwa ng bloodless revolution.

Ayon sa samahan ng mga relihiyoso sa bansa, mahalaga ang paninindigan ng taumbayan lalo na sa gitna ng patuloy na katiwalian sa lipunan at mga tangkang baguhin ang kasaysayan ng bansa.
Sinabi ng CMSP na ang People Power ay hindi lamang isang bahagi ng kasaysayan ng bansa sa halip isang panghabambuhay na hamon at pangako ng paninindigan para sa katotohanan, katarungan at kabutihan ng buong bayan.

“Upholding the Spirit of People Power! In the face of historical distortion and ongoing corruption, we cannot stay silent. People Power is more than a moment in history—it is a lifelong commitment to truth, justice, and accountability.” Bahagi ng paanyaya ng CMSP.

Bahagi ng paanyaya ng CMSP ang pag-alala sa mga sakripisyo at determinasyon ng mga nakibahagi sa naganap na 1986 EDSA People Power Revolution 39 na taon na ang nakakalipas.

Iginiit ng CMSP na nagpapatuloy pa rin ang paglaban at paninindgan upang matiyak ang patuloy na pag-iral ng demokrasya ng bansa.

“We call on all freedom-loving Filipinos to stand with us. Let us safeguard the legacy of EDSA and ensure that the sacrifices of the past are never forgotten. The struggle for democracy didn’t end in 1986—it continues today. Join us on February 25, 2025. Together, let us show the world that we remain vigilant, that we remember, and that we choose to uphold truth and justice.” Ayon sa CMSP.

Katuwang ng Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP) ang Clergy for Good Governance sa pagsasagawa ng nakatakdang ‘Lakbay Dasal, Diwa ng EDSA Ipagdiwang’ na nakatakda sa ika-25 ng Pebrero, 2025.

Magsisimula ang gawain ganap na alas-dos ng hapon sa pamamagitan ng pagmamartya mula sa Shrine of Mary, Queen Of Peace o mas kilala bilang EDSA Shrine hanggang sa People Power

Monument kung saan nakatakdang magkaroon ng programa ganap na alas-tres ng hapon bago muling magmartya pabalik ng EDSA Shrine para sa misang pangungunahan ni Apostolic Vicariate of Taytay, Palawan Bishop Broderick Pabillo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Special treatment?

 112,263 total reads

 112,263 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 197,647 total reads

 197,647 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 261,485 total reads

 261,485 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 341,860 total reads

 341,860 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 419,517 total reads

 419,517 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top