Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Urban Planning sa Pilipinas

SHARE THE TRUTH

 805 total views

Ang bilis ng pagbabago sa ating bansa ngayon. Kitang kita ito sa lebel ng urbanisasyon sa ating bansa. Sa ngayon nga kapanalig, base sa opisyal na datos, 54% o sobra pa sa kalahati ng ating populasyon ay nakatira sa mga urban areas ng ating bansa. Katumbas ito ng 58.93 milyong katao as of 2020. Noong 2015, mga 51.7 milyong katao ang urban population natin. Milyong milyong katao agad ang nadagdag, kapanalig, sa loob lamang ng limang taon. Sa bilis na pagdami ng tao sa mga urban areas, napakahalaga na maayos ang urban planning sa ating bansa.

Alam niyo kapanalig, isang sakuna o disaster waiting to happen ang kumbinasyon ng malaking populasyon at palpak na urban planning. Sa totoo lang, nakita na natin ang epekto nito sa health systems ng ating bansa. Hindi ba’t sa mga urban areas mas mabilis kumakalat ang anumang uri ng sakit sa buong mundo? Case in point, ang COVID-19 pandemic.

Maliban sa mga epekto sa public health, ang isa pa sa pangunahing epekto ng palpak na urban planning ay ang buhol na buhol traffic. Sa Metro Manila, araw araw ramdam na natin ito. Sa mga karatig probinsya, lumalala na rin. Kapag umuulan, kapanalig, dusa ang inaabot ng lahat commuters. Pero diba, kahit wala, kitang kita natin na dusa pa rin?  Ang bagal ng daloy ng trapiko, at sa tren naman, milya milya ang pila.

Ano nga ba ang magagawa ng bayan para maisaayos ang mga syudad ng bansa, at ng huwag na magaya pa ang mga umuusbong na lungsod sa mga naunang mga urban areas? Kapanalig, kailangan natin itaas ang ating kapasidad para sa maayos na urban planning. Kailangan natin buksan ang ating puso at isipan sa mga makabago at luntiang syudad.

Ang urban planning, kapanalig, ay hindi instant, lalo na sa mga lumang syudad gaya ng National Capital Region o NCR. Ito ay isang proseso ng pag-oorganisa at pagpaplano ng mga gamit, arkitektura at istruktura, espasyo, pati serbisyo sa anumang lugar. Mas mainam na sa umpisa pa lamang ng pagtataguyod ng komunidad ay maayos na agad ang pagpaplano. Layunin ng urban planning na ang bawat urban area ay sustainable, maayos, maunlad, makakalikasan, at makatao.

Kapanalig, sana ang urban planning ay hindi lamang sa mga high end o mayayamang lugar magagawa, kundi sa lahat ng komunidad ng Pilipinas. Deserve natin ito, kapanalig. Karapatan natin ito. Ang maayos na lungsod ay dangal ng bawat mamamayan at para ito sa kabutihan ng balana o common good. Sabi nga Catechism of the Catholic Church:  The dignity of the human person requires the pursuit of the common good. Everyone should be concerned to create institutions that improve the condition of human life. Ang maayos na urban planning ay magpapaganda ng kalidad ng ating buhay. Nawa’y atupagin na ito sa lalong madaling panahon ng ating mga lokal at nasyonal na pamahalaan.

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GEN Z PROBLEM

 29,349 total views

 29,349 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »

STATE AID o AYUDA

 47,333 total views

 47,333 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 67,270 total views

 67,270 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »

Witch hunt?

 84,167 total views

 84,167 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 97,542 total views

 97,542 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

GEN Z PROBLEM

 29,350 total views

 29,350 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »

STATE AID o AYUDA

 47,334 total views

 47,334 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 67,271 total views

 67,271 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »

Witch hunt?

 84,168 total views

 84,168 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 97,543 total views

 97,543 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Bihag ng sugal

 88,491 total views

 88,491 total views Mga Kapanalig, tinalakay natin sa isang editoryal ang pagkabahala ng presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) na si Kalookan

Read More »

kabaliwan

 123,256 total views

 123,256 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 122,241 total views

 122,241 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 134,894 total views

 134,894 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »
Scroll to Top