2,008 total views
Itatalaga ng Armed Forces of the Philippines ang apat na bagong Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) – EDCA Sites sa ibat-ibang bahagi ng Pilipinas.
Ito ang kinumpirma ng AFP matapos ang kasunduan sa Department of Defense ng Estados Unidos sa pagtatayo ng mga EDCA site sa bansa.
“Today, the Philippines and the United States are proud to announce their plans to accelerate the full implementation of the Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) with the full agreement to designate four (4) new Agreed Locations in strategic areas of the country and the substantial completion of the projects in the existing five Agreed Locations” ayon sa pahayag ng AFP.
Bagamat wala pang lugar kung saan itatalaga ang mga bagong sites ay una ng itinalaga ang limang naunang EDCA sites sa Isabela, Zambales Palawan at Cagayan.
Ayon sa Estados Unidos, aabot sa $82-million ang inilaang pondo sa unang limang EDCA Sites na pasilidad na tanda ng alyansa sa pagitan ng Pilipinas at Amerika kung saan nagsasagawa ng mga joint training sessions ang AFP at U.S military.
Sa tulong din ng EDCA sites ay mabilis na naipaparating ng Amerika ang mga humanitarian aids tuwing nakakaranas ng sakuna ang Pilipinas.
“The Philippine-US alliance has stood the test of time and remains ironclad. We look forward to the opportunities these new sites will create to expand our cooperation together,” ayon pa sa pahayag ng AFP.
Kaugnay ng pagtulong sa mga mamamayan ay unang ng ipinaalala ni San Antonio Archbishop Gustav Garcia-Siller sa mga Opisyal ng Amerika at iba pang world leaders na pangalagaan ang buhay ng kanilang mga mamamayan na pinamununuan.