Katarungan sa mga biktima ng drug war ng dating pangulong Duterte, umuusad na

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,001 total reads

Naniniwala ang Task Force Detainees of the Philippines (TFDP) na unti-unti ng gumugulong ang katarungan para sa mga biktima ng war on Drugs ng dating administrasyong Duterte.

Ito ang pahayag ni TFDP Chairperson Rev. Fr. Christian Buenafe, O.Carm., kaugnay sa desisyon ng International Criminal Court’s (ICC) na tuluyan ng ipagpatuloy ang imbestigasyon sa drug war killings sa Pilipinas.

Ayon sa Pari na siya ring executive secretary ng Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP), bagamat ilang taon na ang nakalipas ay muli ng nabubuhayan ng pag-asa ang mga naiwang mahal sa buhay ng mga biktima ng war on drugs na makamit ang katarungan at mapanagot ang mga nasa likod ng marahas na kampanya ng nakalipas na administrasyon laban sa ilegal na droga.

“The wheels of justice turn ever so slowly. But it turns towards justice and accountability. The victims are not forgotten. We hope and pray that the perpetrators are made to face the consequences of their inhuman actions.” pahayag ni Fr.Buenafe.

Matatandaang batay sa pagtataya ng pamahalaan aabot lamang sa mahigit 6,000 ang nasawi sa War on Drugs ng nakalipas na administrasyong Duterte na taliwas sa datos ng mga human rights groups sa bansa kung saan naitalang aabot sa mahigit 30,000 indibidwal ang naitalang namatay.

Kaugnay nito kabilang ang Task Force Detainees of the Philippines at Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP) sa mga institusyon ng Simbahang Katolika sa bansa sa bumubuo sa Technical Working Group on Human Rights na nangangasiwa sa pagbubuo ng isang human rights campaign at nakikipag-ugnayan sa UN Joint Programme on Human Rights.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GUILTY?

 7,540 total reads

 7,540 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 43,719 total reads

 43,719 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 100,125 total reads

 100,125 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 223,438 total reads

 223,438 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top