344 total views
Ibinahagi ng Pontifical and Royal University of Santo Tomas ang pagkakapili sa isang UST researcher at propesor ng unibersidad upang mapabilang sa grupo ng international researchers on gender equality in education.
Ayon sa pamunuan ng UST isang karangalan para sa unibersidad ang pagkakapili kay Asst. Prof. Gina Lontoc, Ph.D., bilang isa sa mga research collaborators sa pagsasaliksik sa isang pag-aaral na may titulong ‘Gender-ing ELT: International perspectives, practices, policies.’
“Asst. Prof. Gina Lontoc, Ph.D., was chosen as one of the research collaborators of Dr. Vander Viana, Principal Investigator, from the School of Education and Lifelong Learning at the University of East Anglia, Norwich, UK, and Dr. Aisling O’Boyle, Co-Principal Investigator, from Queen’s University Belfast, Northern Ireland, UK, for the project titled, ‘Gender-ing ELT: International perspectives, practices, policies.’” Ang bahagi ng anunsyo ng Pontifical and Royal University of Santo Tomas.
Layunin ng nasabing pag-aaral na masuri ang mga perspektibo, gawi at antas ng kamalayan ng iba’t ibang sektor ng lipunan kaugnay sa gender awareness partikular na mula sa mga mag-aaral, magulang, guro, school leaders, at mga university lectures.
“This project aims to examine the perspectives and practices of stakeholders that include pupils and parents, school leaders and teachers, university students and lecturers, raise their awareness of gender matters such as gender mainstreaming, sensitivity, and inclusion, particularly within marginalized sectors, and foster their context-sensitive reflections on gender equality in English Language Teaching (ELT).” Paliwanag ng Universiy of Santo Tomas.
Kabilang sa mga makikibahagi sa nasabing pag-aaral ay ang 10 mga bansa na eligible na makatanggap ng Official Development Assistance (ODA) ayon sa World Bank na kinabibilangan ng mga bansang Bangladesh, Botswana, Brazil, China, Colombia, Indonesia, Morocco, Ukraine, Vietnam, at Pilipinas.
Isasagawa ang pag-aaral sa loob ng 18-buwanna nagsimula noong Abril ng kasalukuyang taong 2021 at magtatapos sa Setyembre ng susunod na taong 2022.
Suportado ang isinasagawang pag-aaral na ito ng British Council sa pamamagitan ng Widening Participation Research Grants na nagkakaloob ng pondo para sa iba’t ibang research na isinasagawa sa ODA countries na layunin higit na mapa-unlad ang economic at welfare development sa naturang mga bansa.
Pagbabahagi ng UST naangkop lamang ang pagkakapili kay Dr. Lontoc upang mapabilang sa nasabing pag-aaral dahil na rin sa kanyang mga karanasan at mga nakalipas na pagsasaliksik na may kaugnayan sa gender awareness sa lipunan.
“She was selected to take part in this international research team based on her track record as researcher on topics that focus particularly on women’s literacy learning, gendered roles and identities within family learning, curriculum, and policies. Incidentally, she is also the Lead of the Community- Engaged Studies Research Interest Group of the UST Research Center for Social Sciences and Education.”
Si Dr. Lontoc ay kasalukuyang nagtuturo sa College of Education at UST Graduate School sa unibersidad na isa ring aktibong kasabi ng Language in Education (LiE) research interest group ng School of Education and Lifelong Learning sa University of East Anglia, UK.