Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Vatican, nakikiisa sa Ramadan

SHARE THE TRUTH

 341 total views

Nakiisa ang Vatican sa pagdiriwang ng mga Muslim ng Ramadan. Sa liham ng Pontifical Council for Interreligious Dialogue binigyang diin nito na pawang misyon ng mga kristyano at muslim ang ipalaganap ang diwa ng pag-ibig sa pamayanan na magbibigay pag-asa sa bawat indibidwal. Ayon sa Kanyang Kabunyian Miguel Ángel Cardinal Ayuso Guixot ang pangulo ng institusyon, mahalaga sa kasalukuyang panahon na isulong ang pagkakaisa at pagtutulungan lalo’t lahat ay apektado ng krisis pangkalusugan.

“We, Christians and Muslims, are called to be bearers of hope, for the present life and for the life to come, and to be witnesses, restorers and builders of this hope, especially for those experiencing difficulties and despair. We at the Pontifical Council for Interreligious Dialogue are glad to offer you our fraternal good wishes for a month rich in divine blessings and spiritual advancement,” bahagi ng mensahe ni Cardinal Guixot.

Tulad ng pagdiriwang ng mga Mahal na Araw sinabi ni Cardinal Guixot na sa panahon ng Ramadan ay nagsasagawa rin ang mga Muslim ng ‘fasting, prayer at almsgiving’ kung saan ito ay magdudulot at magpapalapit ng tao sa Panginoon.

Sinabi bg opisyal na higit kailangan ng mamamayan sa panahon ng pandemya ang diwa ng tulong ng Panginoon upang manatiling matatag at positibo sa buhay sa kabila ng negatibong epekto ng coronavirus pandemic.

Sinabi pa ng Cardinal na ang pagkakaisa ng mamamayan ay magbibigay pag-asa ng bawat isa. “Human fraternity, in its numerous manifestations, thus becomes a source of hope for all, especially for those in any kind of need. Thanks be to God our Creator, and to our fellow men and women, for the quick response and generous solidarity shown by believers and also persons of good will with no religious affiliation in times of disaster, whether natural or man-made, like conflicts and wars,” ani ng Cardinal.

Nagsimula ang Ramadan Abril 13, 2021 na inaasahang magtatapos sa Mayo 12. Sa Pilipinas tinatayang humigit kumulang sa 10-milyon ang bilang ng mga Muslim sa mahigit 100-milyong populasyon habang nanatiling mayorya sa bansa ang mga katoliko. Dalangin ng Pontifical Council for Interreligious Dialogue ang mabungang paggunita ng mga Muslim sa Ramadan sa kabila ng krisis na kinakaharap. “As a sign of our spiritual fraternity, we assure you of our prayer, and we send best wishes for a peaceful and fruitful Ramadan, and for a joyful ‘Id al-Fitr,” saad pa ni Cardinal Guixot.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Walang education crisis?

 29,319 total views

 29,319 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Hindi sagot ang pag-unfriend

 41,036 total views

 41,036 total views Mga Kapanalig, kumusta ang inyong mga social media feed nitong nakaraang linggo? Punô ba ito ng mga balita, opinyon, o kaya naman ay

Read More »

Katarungang abot-kamay

 61,869 total views

 61,869 total views Mga Kapanalig, pinahahalagahan sa Banal na Kasulatan ang katarungan. Ayon sa Levitico 19:15, “Huwag kayong hahatol nang hindi makatarungan. Huwag ninyong kikilingan ang

Read More »

Truth Vs Power

 78,291 total views

 78,291 total views Sinasabi sa mga opinyon Kapanalig, “truth” when one who says it is in power, out of it, even critic and evidence doesn’t matter.

Read More »

Heat Wave

 87,525 total views

 87,525 total views Kapanalig, ramdam mo na ba ang maalinsangang panahon? Pinagpapawisan ka na ba sa init ng panahon? Ang mainit na panahon na sanhi ng

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top