122,605 total views
Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024.
Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae.
Nagtapos si Didith ng kolehiyo sa University of Sto.Tomas Faculty of Arts and Letters. Naisakatuparan din nito ang master’s degree in Developmental Communication sa Faculty of Information and Communication Studies sa University of the Philippines Open University.
Bukod sa pagiging writer ng VERITAS Editorial ni Rev.Fr.Anton CT Pascual, pangulo ng Radio Veritas at Executive Director ng Caritas Manila, naging bahagi din si Didith ng Asian Development Bank.
Bilang researcher, nailimbag ni Didith kasama ng tatlong authors ang “Getting Children and Youth in the Picture 2021: A report on the Consultation with Children and Young People on the Civil Registration and Vital Statistics in Asia and the Pacific.
Si Didith ay bahagi ng research o pananaliksik on social policy, qualitative social research and Communication and Media.
Kapanalig, malaki ang naging bahagi ni Didith sa pagpapalaganap ng Radio Veritas ng Church new evangelization.
Ihahatid sa huling hantungan ang mga labi ni Mam Didith sa araw na ito ika-14 ng Nobyembre 2025 sa Loyola cemetery, Marikina City.
Ang buong Radio Veritas 846 ay nagbibigay pugay at nagpapasalamat na naging bahagi si Didith sa pagpapalaganap ng Radyo ng Simbahan sa mga mabuting balita ng panginoon at pagsusulong ng Church advocacies.
Sama-sama po nating ipagdasal ang eternal repose ng kaluluwa ni Didith at mabuting kalagayan ng kanyang naiwan na mga mahal sa buhay.
Sumainyo ang Katotohanan.