5,335 total views
Handog na biyaya ng Panginoon ang mga negosyong napamamahalaan ng tama at tunay na nakakatulong sa lipunan.
Ito ang paalala ni Brotherhood of Christian Business and Professionals – Philippine President Anecito Serrato sa mga negosyanteng kristiyano at kanilang mga manggagawa.
“in BCBP we have our teachings, we have our formation programs and this really aims to transform the business people, the businessmen and business leaders as well and we remind them always that everything in their business is a gift from the Lord, and that has to be passed on, it has to be shared especially to the poorest of the poor,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Serrato
Umaasa si Serrato na kanilang maimpluwensyahan ang ibang negosyante na gamitin ang mga negosyo upang makarating ang biyaya sa mga pinakamahihirap na mamamayan.
Nong Oktubre ay nakikiisa ang BCBP sa pagdaraos ng ika-27 International Christian Union of Business Executives – UNIAPAC World Congress kung saan umabot sa 500 mga negosyante ang dumalo.
Pinag-usapan ng mga negosyante sa congress ang pagsusulong ng makatao at naaayon sa katuruan ng simbahan ang pamamalakad sa negosyo.
Nakabase ang sistema ng BCBP sa adbokasiya ng Kaniyang Kabanalang Francisco na nararapat kasama sa pag-unlad ng negosyo at ekonomiya ang kalagayan ng mga mahihirap.