Simbahan sa Bicol, muling naghahanda sa banta ng bagyong Pepito

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,116 total views

Naghahanda na muli ang Diocese of Virac para sa inaasahang pagtama ng binabantayang Bagyong Pepito, na may international name na Man-Yi.

Sa panayam sa Barangay Simbayanan, ibinahagi ni Caritas Virac executive director, Fr. Renato dela Rosa, na muling bubuksan ang mga simbahan sa diyosesis upang magsilbing evacuation sites para sa mga residenteng kailangang lumikas.

Ayon kay Fr. dela Rosa, tinitiyak ng Disaster Risk Reduction and Management Offices (DRRMOs) ng bawat bayan sa Catanduanes ang katatagan at kaligtasan ng mga simbahan upang maging ligtas na tuluyan ng mga pamilya.

“Pinapa-assess na po sa mga MDRRMOs sa bawat bayan na paki-check kung hindi ba hazard or risky ang mga simbahan na ito lalo ng mga lugar na prone sa landslides and floods. But in terms of strength ng simbahan, maasahan din natin. Kaya even Bishop [Luisito Occiano] ay nagpa-abot sa lahat na ang simbahan ay bukas para maging evacuation center… They need to assess it para ma-declare ng MDRRMO na ito ay safe rin for evacuees, pang evacuation,” pahayag ni Fr. dela Rosa.

Tiniyak din ng Caritas Virac na may naka-preposition na food at non-food items na sasapat para sa pangangailangan ng mga magsisilikas.

“Kasi sa tingin ko dito ay nakapaghanda naman ang lahat ng local government units. Our side naman, may prepositioning na 1,700 packs ng bigas na 5kg. So it could be an augmentation to those na hindi pwedeng maabot pa ng LGU,” ayon kay Fr. dela Rosa.

Dalangin naman ni Fr. dela Rosa na humina ang epekto ng bagyo at hindi na magdulot pa ng labis na pinsala sa Catanduanes.

Samantala, patuloy na umaapela ng panalangin si Bishop Occiano upang ipag-adya ang lalawigan sa banta ng sakuna, lalo’t hindi pa lubusang nakakabangon mula sa pinsalang iniwan ng nagdaang Bagyong Kristine.

Batay sa huling ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA), huling namataan ang Tropical Storm Man-Yi sa silangan ng Northeastern Mindanao, sa labas ng Philippine Area of Responsibility.

Inaasahang papasok ang bagyo sa PAR mamayang alas-otso ng gabi, at saka pa lamang tatawagin sa local name na Pepito.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 62,604 total views

 62,604 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 95,686 total views

 95,686 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 124,037 total views

 124,037 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 191,769 total views

 191,769 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 210,557 total views

 210,557 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top