214 total views
Itinalaga ng kanyang kabanalan Francisco si Msgr. Bartolome Santos- ang Vicar General ng Diocese ng Malolos bilang obispo ng Diocese ng Iba Zambales.
Si Bishop-elect Santos ay tubong Santa Maria Bulacan at isinilang noong Dec.1, 1967.
Matapos ang high school si Msgr. Santos ay pumasok at nagtapos ng Philosphy at Theology sa Immaculate Conception Minor Seminary sa Malolos at sa University of Santo Tomas Ecclesiastical Faculties sa Manila, kung saan nakakuha ng licentiate sa biblical theology noong 1999 mula sa the Pontifical Gregorian University in Rome.
Inordinahan bilang pari sa Diocese ng Malolos noong August 27, 1992.
Matapos ang pag-aaral ni Bishop-elect Santos mula sa Roma ay ipinagpatuloy niya ang kaniyang paglilingkod sa Immaculate Conception Minor Seminary of Malolos (1999-2005), at naging rector ng seminaryoo taong 2005-2009.
Mula naman 2005 hanggang 2013, nagsilbi siyang episcopal vicar for religious.
Noong 2009 naitalaga si Bishop Santos bilang rector at moderator ng pastoral team ng National Shrine of Our Lady of Fatima in Valenzuela City, at naging kura paroko ng pambansang dambana noong taong 2010.
Si Bishop-elect Santos ang ika-limang obispo ng Diocese ng Iba na siyang kapalit Bishop Florentino Lavarias na naitalaga namang arsobispo noong 2014 sa Archdiocese ng San Fernando.