Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 206 total views

Mga Kapanalig, ilang beses nang sinabi ni Pangulong Duterte na wala na tayong pera. Sa pagpapatuloy ng pandemya at lockdown na nagdulot ng kawalan ng trabaho, kahirapan, at gutom sa marami, paano lalakas ang ating loob kung ang itinuturing nating ama ng bayan ay para bang wala nang maipantustos sa ating pangangailangan?

Noong nakaraang buwan, inamin ng pangulong pinayagan niyang magbukás muli ang mga pasugalan upang may pumasok daw na pera sa ating kaban. Galit daw siya sa pagsusugal ngunit napilitan daw siyang pumayag na magbalik ang gambling operations sa bansa dahil kailangan natin ng pera. Sabi ng pangulong nagpapasok sa mga online gambling hubs (gaya ng mga POGO) bago pa man dumating ang COVID-19, hindi raw ngayon panahon upang maging moralista. Magandang malaman kung gaano nga kaya kalaki ang perang ipinapasok ng pagsusugal sa ating ekonomiya at ang buwis na binabayaran ng mga nagpapatakbo ng casino at iba pang pasugalan.

O baka naman mayroon tayong pera pero hindi lang natin nalalaman kung nasaan ito?

Nitong nakaraang linggo, tinawag ng Commission on Audit (o COA) ang atensyon ng Department of the Interior and Local Government (o DILG) dahil hindi pa nito naili-liquidate ang 3.6 bilyong pisong inilagak nito sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno, mga lokal na pamahalaan, at NGOs. Ayon sa COA, bigo ang DILG na magsumite ng mga dokumentong magpapakita kung sinu-sino ang tumanggap ng pondo ng kagawaran at magpapatunay na nagamit nga talaga ang pera sa dapat paglaanan nito.

Kung wala tayong pera, bakit din nagmumungkahi ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (o NTF-ELCAC) ng 40 bilyong pisong budget para sa susunod na taon? Paliwanag ng nasabing task force, ilalaan ang pondong ito sa halos 2,000 barangay na pinamumugaran noon ng mga rebeldeng grupo. Gagamitin ang pondong ito para sa pagpapatayo ng mga farm-to-market roads, paaralan, pabahay, at health centers—mga imprastraktura at programang hindi na bago at ibinibigay na ng ibang ahensya. Mabilis ding nailabas ang mahigit 16 bilyong piso para sa barangay development program ng NTF-ELCAC sa kasagsagan ng pandemya at gayong marami ang nangangailangan ng ayuda.

Mukhang hindi naman talaga nauubos ang pondo ng bayan. Kailangan lang tiyaking napupunta ito sa mga tamang programa. Kailangan lang ayusin ng pamahalaan ang prayoridad nito lalo na ngayong may pangkalusugang krisis tayong kinakaharap.

Kinikilala sa mga panlipunang turo ng ating Simbahan ang tungkulin ng pamahalaan sa pagtataguyod ng kaunlaran ng lahat. Kaakibat ng tungkuling ito ang pagtulong sa mahihirap at magagawa ito ng pamahalaan sa pamamagitan ng paglikom ng buwis at paggugol nito sa mga programang tunay na pakikinabangan ng mamamayan. Sabi nga sa Catholic social teaching na Pacem in Terris, ang pagtatanggol sa karapatan ng bawat tao at pagtulong sa kanilang magampanan din ang kanilang mga tungkulin ay pangunahing obligasyon ng mga namumuno sa pamahalaan. Samakatuwid, mahalagang mahusay ang ating mga namumuno sa paggamit ng buwis na iniaambag ng lahat dahil ito ay para sa kapakinabangan ng mga tao.

Mga Kapanalig, paalala nga sa Mga Kawikaan 21:5, “Ang mabuting pagbabalak ay pinapakinabangan, ngunit ang dalus-dalos na paggawa’y walang kahihinatnan.” Ang ating mga lider ay hindi nakaluklok sa kapangyarihan upang mag-utos lamang at masunod ang kanilang kagustuhan kung paano gagamitin ang iniaambag nating buwis. Dapat natin asahan sa kanilang maging matuwid at masinop lalo na sa pamamahala ng pondo ng bayang ipinagkakatiwala natin sa kanila. Sa krisis na dinaranas natin ngayon, napakasakit marinig sa ating mga lider na wala na tayong pera gayong nariyan ang bilyun-bilyong pondong hindi natin nalalaman kung saan nagagamit o hindi nailalaan sa pagtugon sa mga mas kagyat nating pangangailangan.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 69,808 total views

 69,808 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 77,583 total views

 77,583 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 85,763 total views

 85,763 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 101,374 total views

 101,374 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 105,317 total views

 105,317 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 69,809 total views

 69,809 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ghost students

 77,584 total views

 77,584 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 85,764 total views

 85,764 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

The Big One

 101,375 total views

 101,375 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

ODD-EVEN scheme

 105,318 total views

 105,318 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kagutuman

 59,455 total views

 59,455 total views Hindi pa tapos ang unang quarter ng taong 2025., Tumaas pa lalo ang bilang ng mga Pilipinong nagugutom o kapos ang pagkain sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkakait ng kaarawan sa murang edad

 73,626 total views

 73,626 total views Mga Kapanalig, para sa grupong Child Rights Network (o CRN), masuwerte si dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil napakapagdiwang pa siya ng kanyang 80th

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang lupa ay para sa lahat

 77,415 total views

 77,415 total views Mga Kapanalig, nangako ang mga tumatakbong senador sa ilalim ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas—ang ticket ni Pangulong BBM—na ipápasá nila ang National

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hapis ng mga biktima

 84,304 total views

 84,304 total views Mga Kapanalig, ang Diyos ay hindi manhid sa tinig ng mga inaabuso’t inaapi. Dahil naririnig ng Diyos ang kanilang mga panaghoy, hinahamon Niya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Popular Beyond Reproach

 88,720 total views

 88,720 total views Kapanalig, nakakulong sa kasalukuyan ang kontrobersiyal na ika-16 na pangulo ng Pilipinas na si Rodrigo Roa Duterte o kilala sa tawag na “tatay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Impeachment Trial

 98,719 total views

 98,719 total views Tuloy ang impeachment trial laban kay Vice-President Sara Duterte.. Ito ay sa kabila ng pagkakakulong at kinakaharap na kasong crime against humanity ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Labanan ang structures of sin

 105,656 total views

 105,656 total views Mga Kapanalig, “bakit ako susuko?”  Ito ang pinakahuling pahayag ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa kaugnay ng posibleng pag-aresto sa kanya ng International

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Huwag palawakin ang agwat

 114,896 total views

 114,896 total views Mga Kapanalig, gaya ng inaasahan, maraming tagasuporta ni dating Pangulong Duterte ang nagtipun-tipon sa kani-kanilang lugar para kundenahin ang pag-aresto at pagdadala sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sementeryo ng mga buháy

 148,344 total views

 148,344 total views Mga Kapanalig, nasa kustodiya na ngayon ng International Criminal Court (o ICC) si dating Pangulong Duterte. Ilang araw lang pagkatapos siyang ilipad patungo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang education crisis?

 99,215 total views

 99,215 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top