PAG-IBIG fund, inspirado sa COA highest audit rating

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 607 total views

Tiniyak ng Pag-IBIG Fund sa publiko na ginagamit sa wastong pamamaraan ang bawat kontribusyon ng mga kasapi ng institusyon.

Ito ang pahayag ni Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary at Pag-IBIG Chairman Eduardo Del Rosario makaraang nakuha ng institusyon ang pinakamataas na audit rating mula sa Commission on Audit.

Paliwanag ng opisyal na sa kabila ng kinakaharap na krisis dulot ng coronavirus pandemic ay patuloy ang paglingap ng Pag-IBIG Fund sa mga miyembro sa pamamagitan ng iba’t ibang serbisyo at programa.

“We faced many challenges last year. However, we remained committed in managing the Filipino workers’ fund excellently. We implemented a number of loan payment reprieves and stimulus programs to help our members and stakeholders during the lockdown while ensuring that these did not affect our robust financial standing,” bahagi ng pahayag ni Del Rosario.

Ito na ang ikasiyam na magkakasunod na taon na makamit ng Pag-IBIG Fund ang COA highest audit rating.

Mula 2012 hanggang 2017 binigyan ng COA ang institusyon ng unqualified opinion habang 2018 hanggang 2020 binigyan naman ito ng unmodified opinion.

Nangangahulugang malinaw at wasto ang financial statements na isinumite ng institusyon para sa auditing ng COA.

Noong 2020 sa gitna ng pananalasa ng COVID-19 pandemic agad na tinugunan ng Pag-IBIG Fund ang pangangailangan ng 4.8 milyong kasapi ng institusyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng 6-month grace period alinsunod sa Bayanihan I at II.

Mahigit sa 300 libong kasapi rin ang nakinabang sa 3-month loan paymenyt moratorium program habang 85 libong home loan borrowers ang nakinabang sa restruturing program.

Ibinahagi naman ni Pag-IBIG Fund CEO Acmad Rizaldy Moti na tumugon din ang institusyon sa pagbangon ng ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng paglalaan ng 10-bilyong pisong home construction fund sa mga accredited home developers.

Ayon kay Moti, ang pagkilala ng COA ay patunay na nasa maayos ang pamamalakad ng Pag-IBIG Fund sa kabila ng krisis na naranasan.

“Our latest unmodified opinion from COA shows that we have achieved three things last year. First, we were able to safeguard the health and welfare of our workforce which was necessary for the Fund’s continued service to the public. Second, we took good care of our members through the speedy deployment of programs responsive to their needs. And lastly, we were able to do all these while still maintaining the highest standards of financial integrity. That is Lingkod Pag-IBIG service at work,” ani Moti.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lights! Camera! Action?

 30,204 total views

 30,204 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 154,615 total views

 154,615 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 197,421 total views

 197,421 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 276,582 total views

 276,582 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top