Cardinal Advincula, hiniling na ipagdasal ang kaligtasan ng bawat isa mula sa karahasan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 626 total reads

Hiniling ng arsobispo ng Arkidiyosesis ng Maynila sa mamamayan na patuloy ipanalangin ang kaligtasan ng bawat isa mula sa anumang banta ng karahasan sa lipunan.

Ayon kay Archbishop Jose Cardinal Advincula, mahalaga ring ipanalangin sa Diyos ang pagpapanibago ng mga indibidwal na nagpapalaganap ng kasamaan at kapahamakan ng kapwa. Ang mensahe ng Cardinal ay kaugnay sa ulat na pagpapadala ng sulat sa Kanyang Kabanalan Francisco na naglalaman ng tatlong bala ng baril.

“Ipanalangin natin na hipuin ng Diyos ang puso ng mga taong naghahasik ng takot, karahasan, kasinungalingan at lumalabag sa karapatang-pantao,” pahayag ni Cardinal Advincula sa Radio Veritas.

Batay sa ulat ng awtoridad ng Milan Italy, taglay ng envelope ang French stamp na naka-address sa “The Pope, Vatican City, St. Peter’s Square in Rome.

Taglay ng sulat ang tatlong bala ng 9mm na baril at mensahe kaugnay sa financial operations ng Vatican. Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa insidente kung saan isang hindi pinangalanang Fench national ang suspek. Hinimok naman ni Cardinal Advincula ang mananampalataya na ipanalangin ang kaligtasan ni Pope Francis sa gitna ng banta ng kanyang seguridad.

“Bagamat iniimbestigahan pa kung saan nanggaling at ano ang motibo ng envelope na may tatlong bala para kay Pope Francis, patuloy nating ipanalangin ang kanyang kaligtasan,” ani Cardinal Advincula.

Magugunitang May 13, 1981 nang barilin si Saint John Paul II sa St. Peter’s Square habang nagsagawa ng kanyang lingguhang general audience.

Nadakip ang suspek na si Mehmet Ali Agca isang Turkish national na gumamit din ng 9mm Browning automatic na uri ng baril.

Kaugnay dito, hiniling ng simbahan sa bawat isa na ipanalangin ang Santo Papa na namumuno sa mahigit isang bilyong katoliko sa buong daigdig gayundin ang mga pastol na nangangasiwa sa bawat simbahan sa buong mundo.

Patuloy na naninindigan ang simbahang katolika para sa pagkakaisa at kapayapaan ng buong pamayanan at iginiit na dapat iwaksi ang anumang uri ng karahasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 70,211 total reads

 70,211 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 148,818 total reads

 148,818 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 182,266 total reads

 182,266 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 217,563 total reads

 217,563 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 441,244 total reads

 441,244 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top