Ang panganib na dala ng fake news

SHARE THE TRUTH

 469 total views

Mga Kapanalig, kumalat noong isang lingo sa social media ang mga video ng mga kababayan nating dumagsa sa mga vaccination sites isang araw bago isailalim muli sa enhanced community quarantine o ECQ ang Metro Manila. Hindi inaasahan ng mga taga-lokal na pamahalaan ang nangyari. Sa Maynila, nasa isa hanggang dalawang libo kada araw lamang ang nababakunahan sa bawat vaccination site. Noong araw na iyon, tinatayang nasa pito hanggang sampung libo ang dumagsa sa isang vaccination site lamang.

Fake news ang itinuturong salarin sa insidenteng ito. May kumalat kasing balita na hindi raw mabibigyan ng ayuda ang mga hindi pa bakunado sa mga lugar na nasa ilalim ng ECQ. Sa hirap ng buhay at dami ng nawalan ng trabaho, marami ang nangangailangan ng ayuda mula sa pamahalaan. Isa pang maling balitang kumalat ay hindi maaaring lumabas ang mga taong walang bakuna kahit pa ang mga pumapasok sa trabaho. Ipatutupad daw ang “no jab, no workpolicy, bagay na paulit-ulit pinabulaanan at sinabing iligal ng Department of Labor and Employment. Kung inyong matatandaan, mismong si Pangulong Duterte ang nagsabing hindi papayagang lumabas ang mga ayaw magpabakuna.

Nagdulot ang mga pekeng balitang ito ng takot sa marami, lalo pa sa mga mawawalan ng trabaho at mapagkakakitaan ngayong ECQ. Karamihan sa mga dumayo sa mga vaccination sites ay mula pa sa Cavite, Laguna, at Bulacan. Nananatiling mabagal kasi ang pagbabakuna sa mga probinsya dahil sa limitadong kapasidad ng mga lokal na pamahalaan at kulang na supply ng mga bakuna. Samakatuwid, ang nangyari sa Maynila at Las Piñas ay bunga rin ng hindi maayos programang pagbabakuna ng pamahalaan. Ang magulong komunikasyon ng pamahalaan at hindi malinaw na panuntunan sa pagbabakuna, pagbibigay ng ayuda, at pagpapatupad ng lockdown ay nag-ambag sa mabilis na pagkalat ng fake news.

Dahil sa insidente, ipinapanawagang imbestigahan ng National Bureau of Investigation ang pagpapakalat ng fake news at papanagutin ang mga nasa likod ng mga nito. Ipinaaalala rin ng Department of Health na iwasan ang mga ganitong pangyayari upang hindi maging superspreader events ang vaccination drive ng pamahalaan. Kinakailangang masiguro pa rin ang health protocols sa mga vaccination sites upang hindi maging mitsa ang mga ito ng lalong pagkalat ng COVID-19.

Binibigyang-diin ng mga panlipunang turo ng Simbahan na tungkulin ng bawat mananampalatayang maging saksi ng katotohanan. Kaakibat nito ang paghahanap, paggalang, at pagtataguyod sa kung ano ang totoo at tama. Dapat nating pairalin ang katotohanan sa ating pakikipag-ugnayan sa iba, katulad kapag tayo ay may ibinabahagi sa social media.

Katulad ng sinasabi sa Juan 8:32, “ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo.” Malaya tayo kapag hinahanap natin ang katotohanan, at tinityak na tama at totoo ang mga binabasa at ibinabahagi nating impormasyon. Sa kaguluhang nangyari sa mga vaccination sites, makikita nating hindi lang mapagpalaya ang katotohanan. Mahalaga rin ito para mapangalagaan ang ating buhay sa gitna ng pandemya.

Mahalaga rin ang katotohanan sa pamamahala. Inaasahan nating ang mga lider mismo ang mangunguna sa pagsusulong ng katotohanan. Hindi katanggap-tanggap na sila mismo ang nagpapakalat ng fake news, na inihalintulad ni Pope Francis sa tusong serpyente sa Genesis. Huwag nating hayaang maging biktima tayo ng mga serpyente. Bilang mga Kristiyanong nagpapahalaga sa katotohanan, responsibilidad nating papanagutin ang ating mga lider sa mga sinasabi nilang mali at itama sila sa tuwing kasinungalingan ang lumalabas sa kanilang bibig.

Mga Kapanalig, maging aral nawa sa ating lahat ang nangyaring gulo noong isang linggo sa mga vaccination sites upang maging mas mapanuri tayo sa mga balitang nababasa natin. Magtulak din sana ito sa ating laging humingi ng pamamahalang iginagalang ang katotohanan.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Kamag-anak, Inc.

 60,418 total views

 60,418 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »

Diplomasya ang susi

 64,397 total views

 64,397 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »

Educator sa DepEd

 75,289 total views

 75,289 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 87,731 total views

 87,731 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »

Hamon ng Climate Change

 98,493 total views

 98,493 total views Ang climate change o pagbabago ng klima ay biggest challenge ng mundo ngayon. Ang Pilipinas ang isa sa pinakabulnerable dito. Ang epekto nito ay lubhang nararamdaman at nagdudulot ng malaking pagbabago sa ating kalikasan, kabuhayan, at pang-araw-araw na buhay. Dahil arkipelago ang ating bayan, lubhang bulnerable ito sa pagtaas ng temperatura, pagbabago sa

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 60,419 total views

 60,419 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 64,398 total views

 64,398 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 75,290 total views

 75,290 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 87,732 total views

 87,732 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hamon ng Climate Change

 98,494 total views

 98,494 total views Ang climate change o pagbabago ng klima ay biggest challenge ng mundo ngayon. Ang Pilipinas ang isa sa pinakabulnerable dito. Ang epekto nito ay lubhang nararamdaman at nagdudulot ng malaking pagbabago sa ating kalikasan, kabuhayan, at pang-araw-araw na buhay. Dahil arkipelago ang ating bayan, lubhang bulnerable ito sa pagtaas ng temperatura, pagbabago sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pangangalaga sa Bata para sa Kinabukasan ng Bansa

 51,239 total views

 51,239 total views Kung nais mo makita ang kinabukasan ng bansa, kapanalig, tingnan mo na lamang kung paano natin inaalagaan ang mga bata. Ito ang magtatakda ng direksyon ng ating bayan sa darating na panahon. Ang mga bata ay kayamanan ng bawat lipunan. Sila ang magmamana at magpapatuloy ng ating mga adhikain at mithiin. Ipapasa natin

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Alagaan ang mental health ng mga estudyante

 50,784 total views

 50,784 total views Mga Kapanalig, sa pagtutok natin sa kalusugan ng mga bata at kabataan, nabibigyang-pansin din ba ang kalusugan ng kanilang pag-iisip o mental health? Kung ang sagot ninyo ay “hindi,” mukhang kailangan natin itong pansinin. Tumaas daw kasi ang suicide rate sa mga kabataan noong 2023. Ayon sa Unilab Foundation, may 404 na kaso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition

 53,008 total views

 53,008 total views Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang buwan, ilang beses na inilagay sa yellow at red alert ng National Grid Corporation of the Philippines ang Luzon at Visayas power grids. Ito raw ay dahil sa pagpalya ng ilang power plants at hindi sapat na suplay ng kuryente na nagdulot ng power interruptions at pagtaas ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Patuloy na panawagan para sa katarungan

 46,508 total views

 46,508 total views Mga Kapanalig, hinatulang guilty ng Caloocan Regional Trial Court ang apat na pulis mula Caloocan City sa salang homicide kaugnay ng pagkamatay noong 2016 nina Luis Bonifacio at kanyang anak na si Gabriel, 19 anyos, sa isang operasyon sa ilalim ng war on drugs ni dating Pangulong Duterte.  Kuwento ng misis ni Luis,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga Hamon sa Kabataan

 45,859 total views

 45,859 total views Ang mga bata ay itinuturing na pinakamahalagang yaman ng isang bansa. Sila ang kinabukasan at pag-asa ng lipunan. Sa Pilipinas, ang karapatan ng mga bata ay pinahahalagahan at pinoprotektahan ng batas. Pero sa kabila nito, marami pa ring bata ang nakararanas ng iba’t ibang uri ng pang-aabuso, karahasan, at diskriminasyon. Maraming hamon sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inequality sa ating Bayan

 51,727 total views

 51,727 total views Ang hindi pagkakapantay-pantay o inequality sa Pilipinas ay isang napakalalim at malawak na isyu. Malaki ang epekto nito sa lipunan, ekonomiya, at pulitika ng bansa. Sa kabila ng mga pagsisikap na ginagawa ng pamahalaan at iba’t ibang sektor upang mapabuti ang kalagayan ng mga mamamayan, nananatiling matindi ang agwat sa pagitan ng mayaman

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga Katutubo

 55,473 total views

 55,473 total views Kapanalig, ang mga katutubo o indigenous peoples (IPs) ay kapwa natin Pilipino – pero hindi ba’t parang invisible sila sa ating bayan? Ang IPs ay kapatid natin sa kasaysayan, kultura, at pagkakakilanlan. Ang ating mga tradisyon, paniniwala, paraan ng pamumuhay ay ating mata-trace sa kanila. Ang ating common heritage ay nagpapakita ng yaman

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pera, hindi tao, ang mahalaga sa POGO

 61,423 total views

 61,423 total views Mga Kapanalig, sa raid na ginawa sa isa na namang POGO hub kamakailan, naka-recover ang mga awtoridad ng iligal na droga, libu-libong pera, alahas, at torture devices.  Nangyari ito sa POGO hub sa bayan ng Porac sa Pampanga. Nasamsam ng mga tauhan ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (o PAOCC) ang mga bagay na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Proteksyon para sa mga magsasaka

 41,610 total views

 41,610 total views Mga Kapanalig, malapit nang matapos ang pangalawang taon ni Pangulong Bongbong Marcos Jr, pero hinahanap pa rin ng marami sa atin ang pangako niyang gawing ₱20 kada kilo ang presyo ng bigas.  Malapit na raw itong mangyari. Pagsapit daw ng Agosto, inaasahan ng gobyernong bababa sa ₱29 kada kilo ang pinakamababang presyo ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Panagutin ang dapat panagutin

 52,729 total views

 52,729 total views Mga Kapanalig, natatandaan pa ba ninyo ang kontrobersyal na kompanyang Pharmally Pharmaceutical Corporation? Maikling rewind lang po tayo. Noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic, bumili ang gobyerno sa Pharmally ng sandamakmak na medical PPE (o personal protective equipment), katulad ng face masks at face shields. Umabot sa 11.5 bilyong piso ang ibinayad sa naturang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top