Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Walang magagawa o hindi handa?

SHARE THE TRUTH

 86,824 total views

Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr. 

Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang bagyo sa Hilagang Luzon habang inilulubog ng malakas na ulan at binabayo ng malakas na hangin ang Bicol at nagsisimula nang salantain ang Timog Katagalugan. Nang may malamlam na mukha at seryosong tono ng boses, sinabi ni PBBM na “wala tayong magagawa.” “All we can do is sit tight, wait, hope, pray that there’s not too much damage, that there are no casualties,” dagdag pa niya.

Hindi natupad ang hiling niyang huwag sanang maging malawak at matindi ang pinsalang iiwan ng Bagyong Kristine. Pag-alis ng bagyo, lumantad ang maraming bayan, komunidad, at sakahang lubog sa baha. Gútom at úhaw ang kanilang dinanas dahil hiráp ang mga naghahatid ng tulong. Gumuho ang lupa sa dalisdis ng mga bundok na nag-iwan ng maraming patay.

Mabigat pakinggan na mismong gobyerno ang nagsasabing hindi ito handa sa bagyo. Nagsimula ang taóng ito na may 22.7 bilyong pisong pondo na nakalaan para sa tinatawag na National Disaster Risk Reduction and Management Fund (o NDRRMF). Pero ini-report ni Department of Budget and Management (o DBM) Secretary Amenah Pangandaman na nasa 1.9 bilyong piso na lang ang natitira para sa nalalabing buwan ng 2024. Ang NDRRMF ang pinagkukunan ng pampuno sa Quick Response Fund (o QRF) na nakalagak sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno. Ang mga kagawaran at opisina ng pamahalaan ay binibigyan ng QRF para gamiting standby funds para agarang matulungan ang mga nakatira sa mga lugar na apektado ng isang kalamidad. 

Maaalala ring ipinagmalaki ni PBBM sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ang mahigit 5,500 na flood control projects na natapos na ng administrasyon. Ilang araw matapos ang SONA, hinila ng Bagyong Carina ang habagat na inilubog sa baha ang napakaraming lugar lalo na rito sa Metro Manila. Pero kung hindi raw dahil sa mga flood control projects na ito, baka mas malala raw ang sinapit ng Metro Manila at mga karatig-lugar. 

Dahil sa nangyaring delubyong hatid ng Bagyong Kristine, nais buhayin ni PBBM ang Bicol River Basin Development Program na nabuo sa ilalim ng administrasyon ng kanyang ama noong 1973. Tila may pasaring pa siya na dahil sa pagpapatalsik sa tatay niya sa puwesto noong 1986, hindi na naipatupad ang proyekto. Gayunman, kailangan na raw i-update ang proyekto dahil na rin sa mga epekto ng climate change. Iba na raw ang panahon ngayon.

May apat na taon pa sa puwesto si PBBM at gusto nating magtagumpay ang gobyerno sa pagpapalakas ng ating kapasidad na maghanda sa anumang kalamidad at maghatid ng agarang tulong sa mga apektadong komunidad. Pero maikli lamang ang panahong ito. Kung talagang may political will ang administrasyon, dapat tayong makakita ng agarang pagbabago—sa pagppapatayo ng mga imprastraktura, sa paglalaan at masinop na paggamit ng pondo, at sa pagpapanagot sa mga ahensya at mga lokal na pamahalaan. 

Mga Kapanalig, may magagawa ang gobyerno kung seseryoshin nito ang disaster risk reduction. May magagawa ito para ilayô sa kapahamakan ang mga lantad sa mga kalamidad at mahihina sa harap ng mga epekto nito—silang mga dapat prayoridad ng anumang tulong, ayon sa mga panlipunang turo ng Simbahan. Patuloy ang ating pagbabayanihan, pero dapat din tayong matutong lahat, lalo na ang mga nangakong maglilingkod sa taumbayan. Sabi pa nga sa Mga Kawikaan 22:3, “Kung may dumarating na panganib, ang matalino’y nag-iingat.”

Sumainyo ang katotohanan. 

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Prayer Power

 44,637 total views

 44,637 total views Kapanalig, ang panalangin ay direkta nating koneksyon sa Panginoon. Madalas nating iniisip na ang pagdarasal ay pakikipag-usap lamang sa Dios. Ngunit mas malalim

Read More »

Hindi sapat ang siyensya lamang

 82,118 total views

 82,118 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 114,113 total views

 114,113 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 158,840 total views

 158,840 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 181,786 total views

 181,786 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 8,887 total views

 8,887 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »
Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 19,389 total views

 19,389 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

Prayer Power

 44,638 total views

 44,638 total views Kapanalig, ang panalangin ay direkta nating koneksyon sa Panginoon. Madalas nating iniisip na ang pagdarasal ay pakikipag-usap lamang sa Dios. Ngunit mas malalim

Read More »

Hindi sapat ang siyensya lamang

 82,119 total views

 82,119 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 114,114 total views

 114,114 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 158,841 total views

 158,841 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 181,787 total views

 181,787 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Holiness Is Not Boring

 189,867 total views

 189,867 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Pagnanakaw sa kinabukasan ng kabataan

 136,663 total views

 136,663 total views Mga Kapanalig, sa Senate budget hearing noong nakaraang linggo, iniulat ni DPWH Secretary Vince Dizon na 22 silid-aralan lamang sa target na 1,700 ang

Read More »

Disenteng bilangguan

 147,087 total views

 147,087 total views Mga Kapanalig, inilarawan ni Independent Commission for Infrastructure (o ICI) Commissioner Rogelio Singson bilang “decent” o disente ang pasilidad kung saan dadalhin ang

Read More »

Shooting the messenger

 157,726 total views

 157,726 total views Mga Kapanalig, eksaktong isang linggo na ang nakalilipas nang barilin ng hindi pa rin nahahanap na suspek ang local broadcaster na si Noel

Read More »

The Big One

 94,265 total views

 94,265 total views Nakakatakot, nakaka-pangangambang isipin ang “The Big One” Kapanalig, aminado ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na hindi mapipigilan at mangyayari ang

Read More »
Scroll to Top