Mamamayang naninirahan sa paligid ng Kanlaon volcano, binalaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,901 total reads

Hinimok ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang mga naninirahan malapit sa bulkang Kanlaon na maging alerto at mapagmatyag.

Ayon kay Philvocs Volcano Monitoring and Eruption Prediction Division Chief Maria Antonia Bornas mainam na alam ng mga residenteng malapit sa aktibong bulkan ang aktibidad nito upang manatiling ligtas.

Sa kasalukuyan ay binabatanyan ng Philvocs ang aktibidad ng Bulkang Kanlaon sa Negros Island dahil sa naitatalang volcanic earthquake at pagbuga ng sulfur dioxide.

Sa programang Veritas Pilipinas sinabi ni Bornas na maaring bisitahin ng mamamayan ang website at social media pages ng Philvocs para sa panibagong updates sa aktibidad ng bulkan.

“Sa atin pong mga kababayan maari po kayong tumunghay sa aming website, sa social media pages at mayroon din pong app na volacnoph na pwedeng i-download sa app store para makatanggap kayo ng issuances straight from Philvocs,” pahayag ni Bornas sa Radio Veritas.

Sinabi ng opisyal na ang bawat issuances na ipinalalabas ng Philvocs ay ibinibigay din sa National Disaster Risk Reduction ang Management Council (NDRRMC) para sa mas mabilis na pagpapakalat ng impormasyon lalo na sa lokal na pamahalaang direktang maapektuhan ng aktibidad ng bulkan.

Aminado si Bornas na malaking hamon sa kanilang tanggapan ang pagtukoy sa oras ng malakas na pagsabog ng bulkan dahil nakadepende lamang ito sa geology ng bulkan kung saan karamihan sa eruption products ay lava flows.

Mula nang pumutok ang Kanlaon noong June 3 ay nagpapatuloy ang unrest level nito o Alert Level 2 dahil sa inibugang asupre na naitala sa 5,177 tons nong November 3 higit na mataas sa karaniwang hindi lalampas sa 300 tons tuwing tahimik ang bulkan.

Patuloy na kumikilos ang Social Action Center ng Diocese of San Carlos para sa pangangailangan ng mga residenteng apektado sa aktibidad ng bulkan tulad ng volcanic earthquakes, at pagbuga ng sulfur dioxide at ang posibilidad ng phreatic explosions.

UNDAS 2026, generally peaceful

 28,887 total reads

 28,887 total reads Itinuturing ng Manila Police District na generally peaceful ang paggunita ng Undas 2026 sa apat na pangunahing sementeryo sa Maynila, kung saan umabot

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasaysayang ayaw nating maulit

 1,929 total reads

 1,929 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 51,574 total reads

 51,574 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 101,326 total reads

 101,326 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 260,520 total reads

 260,520 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 287,629 total reads

 287,629 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top