Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Walang malulutas ang giyera at karahasan

SHARE THE TRUTH

 270 total views

Mga Kapanalig, noong nakaraang linggo, nagdeklara ng military operation si Russian President Vladimir Putin sa bansang Ukraine. Aniya, ginawa niya ang hakbang na ito hindi upang okupahin o sakupin ang hilagang rehiyon ng Ukraine kundi upang pahinain daw ang militarisasyon at tanggalin ang pagiging “maka-Nazi” ng mga mamamayan sa lugar na iyon. Ngunit ayon sa mga eksperto, ang ginawang ito ng Russia ay bilang ganti sa planong pagsali ng Ukraine sa North Atlantic Treaty Organization (o NATO), ang alyansa ng mga pwersang militar ng 30 bansa sa Europa at Amerika, at ang paglapit ng mga sundalo ng NATO sa boundary ng Russia.

Ito ang unang pagkakataon mula noong World War II na lumusob ang isang bansa sa Europa sa isang karatig-bansa. Ngunit bago pa man ito, nakaranas na ng walong taóng pakikipaggiyera ang mga Ukrainians sa mga Russians. Ang pagsakop ng Russia ay magkakaroon ng epekto sa mga mamamayan ng dalawang bansa. Tiyak din ang magiging epekto nito sa mga karatig na bansang naghahanda na rin ngayon sa maaaring pagdating mga refugees na tatakasan ang banta ng giyera sa kanilang buhay at pamilya. Sa mga bansang Lithuania at Moldova, halimbawa, libu-libong babae at bata na ang pumasok sa kanilang bansa.

Bagamat sinabi ng NATO na wala itong planong magpadala ng mga sundalo sa Ukraine mismo upang makipagdigma, nag-alok ito sa Ukraine ng payong-militar, mga armas, at tulong sa mga ospital. Sa kasalukuyan, 5,000 sundalo na ng NATO ang nakaposisyon sa iba’t ibang bahagi ng silangang Europa sakaling lumala ang sitwasyon. Kinundena na rin ng mga lider sa iba’t ibang bansa ang pagsakop ng Russia sa Ukraine. May ilan nang kinontrol ang mga transaksyon nila sa Russia bilang pahiwatig ng hindi nila pagsang-ayon sa ginawa ng dating Soviet Union. Halimbawa, nilimitahan na ng mga bansang kasapi ng European Union ang pag-access ng Russia sa merkado at sa mga bagong teknolohiya. Ipinagpaliban naman ng pamahalaang Germany ang pagbubukas ng isang gas pipeline ng Russia, habang ang pamahalaang United Kingdom ay nagsabing hindi maaaring lumapag sa kanilang mga paliparan ang flag carrier o eroplano ng Russia.

Malayo man ang Pilipinas sa mga bansang ito sa Europa, hindi maitatangging mahalagang usapin pa rin para sa atin ang lumalalang karahasan doon. Hinimok ng Department of Foreign Affairs (o DFA) ang mga kababayan nating nasa Kjiv, ang kapitolyo ng Ukraine, na makipag-ugnayan sa ating embahada roon sakaling kailangan nila ng tulong upang makauwi sa ating bansa o kung naghahanap sila ng ligtas na mapupuntahanan. Sinabi ng DFA na prayoridad nito ang paglikas ng ating mga kababayang nagtatrabaho sa Ukraine. Maaari ding magdulot ng pagtaas ng presyo ng gasolina sa pandaigdigang merkado ang alitan sa pagitan ng Russia at Ukraine. At kung mangyari ito, tataas din ang presyo ng mga pangunahing bilihin.

Ngayong Miyerkules ng Abo o Ash Wednesday, ang simula ng apatnapung araw na panalangin, pag-aayuno at pagninilay-nilay nating mga Katoliko bilang paghahanda sa Semana Santa, hinihimok tayo ni Pope Francis na mag-ayuno at manalangin para sa ikapapayapa ng sitwasyon sa Ukraine. Sinabi pa ng Santo Papa na nagdudulot sa kanya ng pagtinding kalungkutan ang alitan sa pagitan ng dalawang bansa at ang hindi pagkilala sa pandaigdigang kasunduan. Dasal niyang tingnan ng mga lider ng bansang ito ang kanilang konsensya sa harap ng Diyos upang makita ang bigat ng epekto ng kanilang mga hakbang.

Mga Kapanalig, sa halip na karahasan, ang kailangan natin ngayon ay magbigayan ng kabutihan. Sabi nga sa 1 Pedro 3:9, “Huwag ninyong gantihan ng masama ang masama. Sa halip, pagpalain ninyo sila dahil pinili kayo upang tumanggap ng pagpapala ng Diyos.”

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 16,216 total views

 16,216 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 23,697 total views

 23,697 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 36,837 total views

 36,837 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 42,810 total views

 42,810 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 48,564 total views

 48,564 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 16,217 total views

 16,217 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 23,698 total views

 23,698 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 36,838 total views

 36,838 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 42,811 total views

 42,811 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 48,565 total views

 48,565 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 41,261 total views

 41,261 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 42,345 total views

 42,345 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 37,726 total views

 37,726 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 49,730 total views

 49,730 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 57,772 total views

 57,772 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 49,329 total views

 49,329 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 47,754 total views

 47,754 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 49,540 total views

 49,540 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 46,465 total views

 46,465 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 60,779 total views

 60,779 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top