VeritasPH

The Word, The Truth

Wanted: mga lider na may malasakit

SHARE THE TRUTH

 180 total views

Mga Kapanalig, nagulantang ang lahat nang sumabog muli ang bulkang Taal noong nakaraang linggo. Noong Enero 2020, bago pa man ang pandemyang dala ng COVID-19, sumabog na rin ang bulkang Taal matapos ang mahigit apat na dekadang pagkakahimbing. At Pebrero ngayong taon, nagkaroon na rin ng paglilikas ng mga pamilya na naninirahan malapit sa bulkan dahil sa patuloy na pag-aalboroto nito.

Bago ang pangyayaring ito, nabalot ng tinatawag na “vog” o volcanic smog ang buong Metro Manila at ang mga kalapit na probinsya. At dahil sa pagsabog ng bulkan sa unang araw ng Hulyo, itinaas ang alert level 3; ibig sabihin, kailangan nang lumikas ang mga nasa bayan ng Agoncillo at Laurel sa Batangas. Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, umabot na sa 3,500 pamilya o mahigit 15,000 katao ang inilikas. Maliban sa paglilikas sa mga pamilya, malaki rin ang epekto ng pagputok ng bulkan sa kabuhayan ng mga nasa paligid nito. Kung babalikan ang mga aral ng naging pagputok ng Taal noong 2020, ang pagiging handa at maagap ng pamahalaan at ng mga tao ang makakapagsalba sa maraming buhay at ari-arian.

Sa ganitong mga pangyayari, lubhang kinakailangan ang mga lider na magmamalasakit sa mga tao at mangunguna sa paghahanda sa inaasahang kalamidad at pagtugon sa mga magiging epekto nito. Ngunit nang tanungin si Pangulong Duterte kung magpapatawag ba siya ng command conference upang pag-usapan at paghandaan ang nagbabadyang sakuna, sinabi niyang lalagyan na lamang raw niya ng cap o takip ang bunganga ng Taal. Dagdag pa niya, marahil daw ay nilamon na ng bulkan ang mga opisyal ng gobyernong inaasahan niyang dumalo sa pagbubukas ng LRT-2 Extension Project.

Wala sa lugar ang pagbibirong ito ng pangulo. Nakakadismaya ang ganitong mga salita gayong may mga kababayan tayong balót ngayon ng takot at kawalang katiyakan sa mga evacuation centers at iiwan ang kanilang mga tahanan sa gitna ng nagpapatuloy na pandemya. Matinding bangunot ito para sa kanila, at hindi nakapagpapalakas ng kanilang loob ang kawalang kahandaan at malasakit ng mga nasa posisyon.

Kahit pa sinasabi ng pamahalaang panlalawigan ng Batangas na handa itong ilikas ang mga pamilyang apektado ng pagsabog ng bulkan, hindi kalabisang asahan natin ang ating mga lider na magmalasakit at magsilbi sa mamamayan sa panahon ng kalamidad. Gaya ng paalala sa atin ni Pope Francis sa kanyang ensiklikal na Fratelli Tutti, ang pagkakaroon ng malasakit sa ating kapwa ay pakikiisa sa kanilang kahinaan at pagiging bulnerable. At ngayong nakararanas ang mga kababayan natin sa paligid ng bulkang Taal ng matinding panganib at nagpapatuloy pa rin ang pandemya, kailangang kailangan natin ang pagmamalasakit na dapat unang-unang ipinakikita ng ating mga pinuno. Kung mamaliitin ng ating mga lider ang kanilang nararanasan, makaaasa ba tayong matutugunan ang kanilang mga pangangailangan, lalong-lalo na ng mga bata, matatanda, at may karamdaman?

Ang tunay na masalakit mula sa ating mga lider ay, sabi nga sa  Roma 12:13-15, higit sa pakikigalak sa panahon ng kagalakan. Ito ay naipamamalas sa pakikitangis sa mga tumatangis, at pagtulong sa mga kailangang tulungan. Bagamat hindi inaasahang matutulad sa pagputok ng bulkang Taal noong nakaraang taon ang nangyayari ngayon, mainam kung tayo ay magiging handa sa pinakamasamang maaaring mangyari at pairalin ang pagmamalasakit.

Mga Kapanalig, nakararanas tayo taun-taon ng maraming sakuna, kabilang ang pagsabog ng bulkan. Hindi natin dapat maliitin ang nararanasan ng mga pamilyang apektado nito. Ang uri ng pagtugon ng kasalukuyang pamahalaan ay maging aral nawa sa atin upang piliin ang mga pinunong may malasakit at pang-unawa sa bigat ng sitwasyon. Hindi natin kailangan ng mga lider na puro biro lamang ang nalalaman.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Responsableng kasiyahan

 8,321 total views

 8,321 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 16,306 total views

 16,306 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 23,842 total views

 23,842 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 39,828 total views

 39,828 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 47,872 total views

 47,872 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 8,322 total views

 8,322 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 16,307 total views

 16,307 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 23,843 total views

 23,843 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 39,829 total views

 39,829 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 47,873 total views

 47,873 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 45,696 total views

 45,696 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 44,121 total views

 44,121 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 45,907 total views

 45,907 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 42,832 total views

 42,832 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 57,146 total views

 57,146 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 60,836 total views

 60,836 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 59,439 total views

 59,439 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 69,426 total views

 69,426 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 73,394 total views

 73,394 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 84,281 total views

 84,281 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top