Waste to energy technology, pinsala ang idudulot sa Pilipinas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 411 total views

Pinabulaanan ng Mother Earth Foundation sinasabing mabuting maidudulot ng Waste To Energy Technology sa Pilipinas.

Iginiit ni MEF Chairman Sonia Mendoza, na hindi tunay na mura ang nakukuhang enerhiya mula sa mga basura na sinusunog.

Dagdag pa nito, malaking peligro ang idinudulot ng pagsusunog ng basura sa kalusugan ng mga residenteng malapit sa WTE plants.

Iminungkahi ni Mendoza na pinaka mabuti pa rin ang magbawas sa pagkonsumo ang bawat indibidwal upang mabawasan din ang kalat na nalilikha ng tao kada araw.

“Ang una pong dapat nating isipin sa basura ay iwasang lumikha ng basura, reduce your waste, reduce muna. Kasi po kapag nag waste to energy tayo kailangang po ng mga yan ng napakaraming basura para po kumita sila, yung tipping fee dun sila kikita, kapag kokonti po yun hindi sila kikita. Yun pong waste to energy, lumikha kayo ng lumikha ng basura, para meron tayong susunugin at makakuha tayo ng energy,” pahayag ni Mendoza sa Radyo Veritas.

Ayon sa National Solid Waste Management Commission noong 2013 ay nakalilikha ang mga tao ng 38,092 tonelada ng basura araw-araw, at sa huling pag-aaral noong 2014, nadagdagan pa ito at naging 38,757 tonelada kada araw.

Sinabi ng ahensya na tiyak na dadami pa ang mga basura sa bansa ngayong taon at maaari itong umabot sa 40,087 tonelada, kung saan 41 porsyento nito ay nagmumula sa Metro Manila.

Ayon kay Mendoza, kung itutuloy ng pamahalaan ang pagbili sa WTE Plant, ay aabot sa 650-million dollars ang gagastusin nito.

Matatandaang una nang pinuna ng Kanyang Kabanalan Francisco ang Throw Away culture o basta na lamang pagtatapon ng mga bagay na maaari pang muling magamit.

Dahil dito nakasaad sa Laudato Si ni Pope Francis na ang mundo ay tila nagiging isang malawak na tambakan ng basura, at ang dating kaakit-akit na paraisong likha ng Panginoon ay natakpan na ng mabaho at maruming kalat ng mga tao.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 13,432 total views

 13,432 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 13,432 total views

 13,432 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 13,432 total views

 13,432 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 12,927 total views

 12,927 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 11,709 total views

 11,709 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 283,080 total views

 283,080 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top