Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Webinar, isasagawa ng SLP sa paggunita ng World Day of the Poor

SHARE THE TRUTH

 802 total views

Ilulunsad ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas (SLP) ang isang online webinar sa paggunita ng World day of the Poor sa ika-12 ng Nobyembre 2022.

Inihayag ni Jun Cruz, pangulo ng S-L-P na layon nitong mapalalim ang kaalaman ng mamamayan at mga kasapi ng S-L-P sa mga ginagawa ng simbahan upang tugunan ang suliranin ng kahirapan sa bansa.

Hangarin din ng “online webinar” na mapukaw ang damdamin ng bawat isa na makibahagi sa mga inisyatibong isinusulong ng simbahan para mapabuti ang kalidad ng pamumuhay ng mga mahihirap.

Tampok na taga-pagsalita sa webinar ang mga kinatawan ng Pondo ng Pinoy at Alay Kapwa.

Idadaos ang webinar via zoom na bukas sa mga kasapi ng S-L-P at matunghayan ng publiko sa official facebook page ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas sa November 12 simula ika-2 hanggang ika-4 ng hapon.

Sa paggunita ng ika-6 na World Day of the Poor sa ika-13 ng Nobyembre, palalaganapin pa ng ibat-ibang dioceses at archdioceses ng simbahan sa bansa ang mga pro-poor program.

Sa Archdiocese of Lipa, nasimulan na ang mga MALASAKIT Bazaar.

Inihayag naman Father Anton CT Pascual, executive director ng Caritas Manila na pagtutuunan ng Social Arm ng Archdiocese of Manila ang pagsusulong ng mga livelihood program at kooperatiba sa mga Parokya upang mapabuti ang estado ng pamumuhay ng mga mahihirap.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Walang education crisis?

 55,000 total views

 55,000 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Hindi sagot ang pag-unfriend

 66,717 total views

 66,717 total views Mga Kapanalig, kumusta ang inyong mga social media feed nitong nakaraang linggo? Punô ba ito ng mga balita, opinyon, o kaya naman ay

Read More »

Katarungang abot-kamay

 87,550 total views

 87,550 total views Mga Kapanalig, pinahahalagahan sa Banal na Kasulatan ang katarungan. Ayon sa Levitico 19:15, “Huwag kayong hahatol nang hindi makatarungan. Huwag ninyong kikilingan ang

Read More »

Truth Vs Power

 103,175 total views

 103,175 total views Sinasabi sa mga opinyon Kapanalig, “truth” when one who says it is in power, out of it, even critic and evidence doesn’t matter.

Read More »

Heat Wave

 112,409 total views

 112,409 total views Kapanalig, ramdam mo na ba ang maalinsangang panahon? Pinagpapawisan ka na ba sa init ng panahon? Ang mainit na panahon na sanhi ng

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top