Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

CBCP, nanawagan sa lahat ng Diyosesis na suportahan ang Alay Kapwa solidarity appeal

SHARE THE TRUTH

 663 total views

Sinuportahan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang panawagan ng NASSA/Caritas Philippines na tulungan ang mga biktima ng pananalasa ng bagyong Paeng.

Sa liham ni CBCP President Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, hinimok nito ang lahat ng diyosesis sa bansa na suportahan ang Alay Kapwa Solidarity Appeal ng NASSA/Caritas Philippines para sa mga lubhang naapektuhan nang nagdaang sakuna.

“On behalf of the CBCP, I am endorsing the letter of Bishop Jose Colin M. Bagaforo, ECSA-JP Chairman and Fr. Antonio E. Labiao, Jr., Executive Secretary of ECSA-JP, for Alay Kapwa Solidarity Appeal to assist the affected dioceses and families devastated by Typhoon Paeng,” bahagi ng liham ni Bishop David.

October 28, 2022 nang manalasa ang bagyong Paeng na nagdulot ng malawakang pagbaha at landslides sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Batay sa mga ulat ng Diocesan Social Action Centers, lubos na naapektuhan ng kalamidad ang mga Arkidiyosesis ng Cotabato, Caceres, at Capiz; at ang mga diyosesis ng San Carlos, Boac, San Pablo, Antique, Kalibo, Gumaca, at San Jose, Occidental Mindoro.

Sa huling ulat naman ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot na sa higit limang milyong Filipino ang naapektuhan ng bagyo kabilang na ang higit sa 53,000 pamilyang nawalan ng mga tahanan.

Sa kasalukuyan, umaabot na sa halos P4-milyong halaga ng donasyon at tulong ang nakalap ng Caritas Philippines na ipamahagi sa 19,610 pamilya mula sa 10 apektadong diyosesis.

“The vastness of damages to properties and lives indicates that we need more resources to help the rebuilding process, and to immediately respond to urgent needs,” apela ng Caritas Philippines.

Naunang nagsagawa ng Caritas Damayan Typhoon Paeng Telethon ang Caritas Manila at Radio Veritas na umabot na sa higit P8-milyong halaga ng donasyon para sa mga biktima ng mapinsalang bagyo.

Nasa P1.7-milyon naman ang paunang tulong ng social arm ng Archdiocese of Manila para sa may anim na Diyosesis o pitong lalawigan na pinakanaapektuhan ng nagdaang sakuna.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 69,498 total views

 69,498 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 77,273 total views

 77,273 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 85,453 total views

 85,453 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 101,065 total views

 101,065 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 105,008 total views

 105,008 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Health
Michael Añonuevo

Code white alert, ipinatupad ng DOH

 1,795 total views

 1,795 total views Ipinatupad ng Department of Health ang Code White Alert bilang bahagi ng paghahanda at babantay sa ligtas at malusog na paggunita ng Semana

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Jubilee walk of farmers, suportado ng CEAP

 3,124 total views

 3,124 total views Suportado ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) ang pakikipaglaban ng mga katutubo, mangingisda, at mga residente ng Mariahangin Island sa Bugsuk,

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top