Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Higit pa sa pagtatanim ng puno

SHARE THE TRUTH

 692 total views

Mga Kapanalig, inirekomenda ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga ahensiya ng pamahalaan na isama sa kanilang mga programa ang pagsasagawa ng tree planting activities bilang ambag sa pangmatagalang solusyon sa pagbaha. Sa isang situation briefing ukol sa pinsalang iniwan ng Bagyong Paeng kasama ang ilang lokal na opisyal sa Maguindanao, ibinahagi ng pangulo ang kanyang naobserbahan matapos ang ginawang aerial inspection sa mga apektadong lugar. Napansin daw niyang nagkaroon ng landslides sa mga bahagi ng bundok na wala nang mga puno at nakalbo na. Aniya, mahalaga raw ang pagtatanim ng puno hindi lamang para sa kalikasan kundi pati na rin sa pagsagip ng buhay.

Kung pagkaubos ng ating mga puno ang pag-uusapan, alam ba ninyong noong panahon ni Ferdinand Marcos Sr., naging pangunahing exporter ng troso ang Pilipinas sa Estados Unidos at Japan? Ang resulta: mahigit walong milyong ektarya ng mga forest trees ang naglaho. Ang lawak ng kagubatang ito ay ilang ektarya na lang ang layo sa laki ng isla ng Mindanao na humigit-kumulang 9.8 milyong ektarya. Binigyan ni Marcos Sr. ng Timber License Agreements (o TLA) ang kanyang mga kamag-anak at cronies kung saan nagkaroon sila ng lisensyang kalbuhin ang mga kagubatan para sa kanilang mga negosyo.

Ayon sa pananaliksik ng Philippine Center for Investigative Journalism (o PCIJ), nang dumating sa isla ng Pilipinas ang mga Kastila, ang kagubatan sa bansa ay nasa 27.5 milyong ektarya o 92% ng kabuuang lawak ng lupain ng bansa. Bumaba ang forest cover sa 10.6 milyong ektarya bago ang deklarasyon ng Batas Militar, at mas lalo pa itong lumiit sa 6.4 milyong ektarya matapos ang 1986 People Power Revolution. Mula noon, nasa pitong milyong ektarya na lamang ang lawak ng mga kagubatan sa ating bansa.

Tama ang obserbasyon ni PBBM na ang pagkaubos ng mga puno—na naging talamak noong panahon ng panunungkulan ng kanyang ama—ang malaking dahilan kung bakit patindi nang patindi ang pagbaha at mas madalas ang pagguho ng lupa. Ngunit gaya ng nangyaring pananamantala sa kalikasan noong dekada sitenta sa ilalim ng administrasyon ng nakatatandang Marcos, malinaw na higit pa sa tree planting ang kailangang gawin upang agapan ang mga trahedyang katulad ng pagbaha at landslide.

Kung nagpapatuloy pa rin ang pagbibigay ng permit sa mga korporasyon at mga negosyanteng nagsasagawa ng pagmimina at pagtotroso, kung may mga batas-pangkalikasan na hindi naipatutupad nang maayos,  at kung may mga patakarang pabor sa iilang indibidwal na ang tanging layunin ay kumita ng pera, napakaliit lamang ang benepisyong maidudulot ng tree planting activities. Ngayong patindi nang patindi ang epekto ng pagbabago ng klima at marami nang buhay ang nawawala dahil dito, walang dapat sayangin na panahon ang administrasyon sa paglutas sa malalalim na ugat ng krisis sa kalikasan.

Mga Kapanalig, kailangan mas maging malawak ang pagtingin ng ating pamahalaan sa pangmatagalang solusyon upang tugunan ang problema ng pagbaha at landslide. Maliban sa tree planting, kailangan pagtuunan din ng pansin ang pagmimina, quarrying, conversion ng malalawak na lupain, pagpapatayo ng dam, at iba pang mga industriyang mapanira sa kalikasan. Gaya ng mensahe ni Patriarch Bartolomé na hiniram ni Pope Francis para sa kanyang ensiklikal na Laudato Si’, ang pagtapak ng tao sa integridad ng daigdig, ang mga gawain nitong nagdudulot ng pagbabago ng klima, ang pagkalbo at pagwasak nito sa mga kagubatan, pagkasira at dumi ng tubig, lupa, at hangin, lahat ng mga ito ay kasalanan. Aniya, ang krimen laban sa kalikasan ay isang krimen laban sa ating mga sarili at isang kasalanan laban sa Diyos.[5] Lagi nating pakatandaan ang winika ng Diyos sa Genesis 2:15—tayo ay nilikha upang “pagyamanin at alagaan” ang mundo.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Green Transport

 10,453 total views

 10,453 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 16,426 total views

 16,426 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 22,181 total views

 22,181 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 29,444 total views

 29,444 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 37,428 total views

 37,428 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 10,454 total views

 10,454 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 16,427 total views

 16,427 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 22,182 total views

 22,182 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 29,445 total views

 29,445 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 37,429 total views

 37,429 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 35,788 total views

 35,788 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 47,792 total views

 47,792 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 55,834 total views

 55,834 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 47,391 total views

 47,391 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 45,816 total views

 45,816 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 47,602 total views

 47,602 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 44,527 total views

 44,527 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 58,841 total views

 58,841 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 62,531 total views

 62,531 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 61,134 total views

 61,134 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top